Looking For Anything Specific?

Dennis Trillo, iniwan kaagad ang asawang si Jennylyn Mercado pagkatapos ng kanilang naging kasal!

Matapos lamang ang naging simple at intimate wedding ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay kinailangan kaagad iwan ni Dennis si Jennylyn. Dahil na rin sa maraming katanungan ng kanilang mga fans patungkol sa kanilang mga adjustments na hinaharap ngayon bilang mag-asawa at ang pagkakaroon nila ng anak.

Source:IG/mercadojenny

Kaya naman bilang update sa kanilang buhay mag-asawa ibinahagi nila sa kanilang latest vlog ang mga naging kaganapan sa kanilang buhay matapos ang unang araw pagkatapos ng kanilang kasal. Sa kanilang vlog, ibinahagi ng aktres na iiwan siya ni Dennis pansamantala dahil sa naka-schedule na lock-in taping nito.

Inamin dito ni Jennylyn na talagang nakaramdam siya ng kalungkutan dahil nga isang araw pa lamang daw silang nagsasama pagkatapos ng kanilang kasal. Ipinaliwanag din ng aktres kung bakit kinailangan ni Dennis ang umalis at ito nga ay upang magtrabaho.

Source:IG/mercadojenny

Pahayag ni Jennylyn, “Siyempre, nakakalungkot dahil isang araw lang pagkatapos ng wedding namin, kailangan na ulit umalis ni Dennis para magtrabaho.”

“Naiintindihan naman namin ‘yun. Kailangan naming intindihin pareho ‘yun dahil ‘yung commitment na ‘yon dumating bago pa namin magawa lahat ng plano.”

Source:IG/mercadojenny

Mag-isa lamang iiwan ni Dennis si Jennylyn sa kanilang condo, nagbigay din naman ng paliwanag si Dennis kung bakit kailangan niyang umalis. Aniya, hindi niya pwede umanong talikuran ang napangakuang proyekto lalo’t matagal na itong naka-schedule.

Ayon naman kay Jennylyn, naninibago umano siya noong una dahil nasanay siyang palaging kasama si Dennis pero nang nagtagal na ay nakapag-adjust na rin siya. Sa katunayan, nakakapunta na siyang mag-isa sa ospital para magpa-check up.

Source:IG/mercadojenny

Saad ng aktres, “Sa simula, medyo nanibago ako kasi marami akong mga kailangang gawin na hindi kasama si Dennis. Medyo kailangan ko mag-adjust. First time kong pumunta sa ospital nang hindi siya kasama.”

Sa huling bahagi ng video, ipinakita rin ng celebrity couple ang muli nilang pagkikita matapos ang lock-in taping ni Dennis. Kaya naman marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang kinilig ng nag-kiss ang dalawa na muli itong magkita.

Source:IG/mercadojenny

Nangako naman ang dalawa na ibabahagi rin nila sa kanilang susunod na vlog ang ipatatayo nilang dream house para sa kanilang pamilya.

The post Dennis Trillo, iniwan kaagad ang asawang si Jennylyn Mercado pagkatapos ng kanilang naging kasal! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments