Espesyal ang ika-45 na kaarawan ng aktor na si Derek Ramsay ngayong taon. Sa kauna-unahang pagkakataon, kasama niyang magse-celebrate ng espesyal na okasyong ito ang kanyang misis na si Ellen Adarna. Ito rin ang unang beses na magse-celebrate si Derek ng kanyang kaarawan na isa na siyang married man.
Noong December 7, ibinahagi ni Derek ang kanilang simple ngunit romantic birthday celebration. Sa Instagram, ipinasilip rin ng aktor sa kanyang mga followers ang pinakasweet na regalong natanggap niya sa kanyang ika-45 na kaarawan. Ayon kay Derek, ito ay walang iba kundi si Ellen.
Nagbahagi rin ang sexy actress ng sweet na mensahe para sa kanyang mister. Ayon kay Ellen, bawat araw ay pinapaganda ni Derek ang kanyang umaga tuwing nagigising siya sa tabi nito. Nag-post rin siya ng mga never before seen photos ng kanyang mister.
Sa mga larawan, makikita ang ilang stolen photos ng birthday boy. Ipinakita rin ni Ellen ang mga sweet moments sa pagitan ni Derek at ng anak niyang si Elias Modesto. Kahit pa si John Lloyd Cruz ang tunay na ama ni Elias, itinuring na rin na tunay na anak ni Derek ito.
“You make my mornings more beautiful. I love you forever Gor. Happy birthday Dump,” pabirong pahayag ng aktres. Maraming netizens at fellow celebrities naman ng dalawa ang nagpahatid rin ng kanilang pagbati para sa kaarawan ni Derek.
Sa kabilang banda, matatandaang nitong November 11 lamang nang ikasal ang dalawa sa isang romantic ceremony sa Bataan. Noong February 2021 lamang na-engaged si Ellen at Derek, isang buwan matapos maging opisyal ang kanilang relasyon.
The post Ellen Adarna, Naging Emosyonal Matapos Sabihin ang Bagay Na Ito Kay Derek Ramsay appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments