Marami sa kabataan ngayon ay puno ng pangarap upang makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya. Kaya naman ay masaya naming ibabahagi ang kwento ni Crystelle Mae Malonzo na nagpatunay na kayang-kaya natin abutin ang ating mga pangarap kahit saang estado pa man ng buhay tayo ipinanganak.
“Masaya akong maraming ma-inspire,” ang mga katagang ipinost ni Crystalle sa kanyang facebook account. Dito niya ipinakita ang larawan ng kanyang sarili na nakatoga at ang kanilang barung-barong na bahay. Hindi na rin kataka-taka na nagtrending ang post nito noong Nobyembre 2021 na umani ng maramin likes, shares at comments.
Lubos na humanga ang mga netizens sa pagpupursige ni Crystalle na makatapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya. Sa katunayan ay Academic Excellence Awardee si Crystalle sa kanyang batch. Bachelor of Science in Mechanical Engineering naman ang natapos na kurso nito sa Colegio De San Juan De Letran sa Calamba, Laguna. Noong February 2020 naman ay nakapasa sa Mechanical Engineering Licensure Examination si Crystalle.
Proud naman na isinabit ng pamilya ni Crystalle ang tarpaulin na nagbabahagi ng tagumpay nito sa pagkapasa ng Licensure Exam. Ibinahagi din ni Crystalle ang magandang kwento sa likod ng tarpaulin na ito. Ayon dito ay nahihiya umano ang kanyang Lola Gloria na ipaskil ang tarpaulin dahil tagpi-tagpi lamang ang kanilang bahay.
“Noong una, medyo nag-isip pa siya sa paglalagay niya ng tarpaulin sa munti naming bahay. Dahil ika nga niya ay baka makita ng mga tao na engineer nga ako pero sa ganoon lamang nakatira.”
Subalit nang balikan nila ang pagpupursige na pinagdaanan nilang mag-Lola ay masayang ipinaskil nila ang tarpaulin. Maaga umano namulat sa kahirapan si Crystalle at madalas na dumidiskarte sa pagtitinda dahil paglilinis ng resort ang tanging ikinabubuhay nila noon.
Ang Lola Gloria nito ang nagaruga sa kaniya dahil nang maghiwalay ang kanyang mga magulang ay nahirapan ang kanyang ina na buhayin silang magkakapatid. Kaya naman ay paalala ni Crystalle sa kanyang Lola, “Kagaya ng pauli-ulit kong sinasabi sa kaniya [Lola Gloria], nay, iyan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin.”
The post Estudyanteng Nakatira Sa Isang Barung-barong Lamang, Isa Ng Engineer Ngayon appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments