Looking For Anything Specific?

Isang netizen ang nagbigay babala sa mga taong mahilig sa “Do It Yourself” na pagbi-bleach ng buhok!

Nauuso ngayon ang tinatawag na ‘DIY’ na mga gawain kung saan mas nakakatipid ito sa mga taong mahilig dito. Ito ang tinatawag na “Do It Yourself”, tanging ikaw lamang ang gagawa at hindi ka na bibili sa mga pamilihan ng mga bagay na iyong kailangan o hindi naman kaya ay hindi na kailangan pang ipagawa sa iba upang ikaw ay makatipid sa gastos. Ngunit isang netizen, ang nagbigay babala tungkol sa ‘DIY’ lalo na sa pagbi-bleach ng buhok.

Sa isang facebook post ni Ruth Pitre, mayroon din daw masamang epekto ang ‘DIY’ lalo na pagdating sa ating mga buhok. Kagaya na lang nito ay ang basta-basta na lang pagbi-bleach ng buhok na hindi sinusunod ang tamang proseso nito. Sa kaniyang post, ibinahagi niya ang iba’t ibang larawan ng nangyayari sa buhok kapag hindi nasusunod ng tama ang proseso ng pagbi-bleach ng buhok.

Source: Facebook/ HAIR BY RUTH PITRE-hairgicians crib

Dito kaniyang sinabi ang mga posibleng mangyari sa buhok kapag hindi tama at maayos ang pagbi-bleach ng buhok. Ang mga magiging epekto nito ay pagkapanot, pagka-kalbo at ang tuluyang hindi na pagtubo ng buhok. Kadalasan kasi nakikita nila sa social media ang iba’t ibang paraan ng pagkulay ng buhok kaya naman marami rin ang tumatangkilik imbis na sa hair professional sila magpasadya.


Source: Facebook/ HAIR BY RUTH PITRE-hairgicians crib

Kaya ang maraming nangyayaring hindi magandang epekto ang aasa lang sa internet kung paano ang gagawing pampaganda ng buhok. Imbis na maganda ang resulta nauuwi ito sa kapahamakan.


Source: Facebook/ HAIR BY RUTH PITRE-hairgicians crib

Minsan kasi ang dahilan ng iba ay upang makatipid sa pambayad sa mga hair stylist ang hindi nila alam sa sobrang pagtitipid pwedeng ikapahamak din ng ating mga buhok lalo pa’t ang iba ay walang ideya sa pagbi-bleach ng buhok.


Source: Facebook/ HAIR BY RUTH PITRE-hairgicians crib

Bagama’t nakakatulong din naman ang pag ‘DIY’ mas maigi pa rin na isangguni sa mga hair expert ang pagbi-bleach sa buhok upang hindi mauwi sa pagkasira ng buhok. Kaya naman ang payo ni Ruth, huwag basta-basta ipagkatiwala sa iba ang ating buhok nararapat lang na sa eksperto tayo lumapit.

The post Isang netizen ang nagbigay babala sa mga taong mahilig sa “Do It Yourself” na pagbi-bleach ng buhok! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments