Naging napakalungkot ng magiging pasko ng young Kapuso actress na si Eunice Lagusad.
Sa darating na kapaskuhan, hindi na makakasama ni Eunice ang kanyang ina. Sa loob ng dalawampung tatlong taon na pag-aalaga nito sa kanya ay namaalam na rin ang kanyang mommy.
Pum’an’aw ito noong September 30 sa edad na 45 matapos makipaglaban sa kar’amda’man nito.
Sa naging panayam ng PEP.ph kay Eunice na unang nakilala sa seryeng ‘Bakekang’. Inalala nito ang mga huling salita ng kanyang ina.
“September 29, 2021 ko po siya nadala sa h0spital. Then, September 30 po siya nawala.
“Sobrang biglaan po talaga yung at4ke niya at wala pong connect sa naging s4kit niya,” paglalahad ng Prima Donna star.
Hinding hindi daw niya makakalimutan ang huling paguusap nila ng kanyang pinakamamahal na ina.
Aniya, “Ang huli po namin napag-usapan, basta ingatan ko daw po sarili ko sa taping. Ayusin ko daw po work ko dun. Usual na bilin niya po pag magte-taping po ako.
“Tapos si Mama, may mga lalakarin daw po siya habang wala po ako. Magmi-me time daw po siya.”
Hindi umano inakala ni Eunice na ang naging biruan nila ng ina ay literal na nagkatotoo.
“Inaasar ko pa nga po siya the day before. Sabi ko, ‘Bukas, Ma, wala ka nang anak.’ Sumagot po siya, ‘Bukas, wala ka nang nanay.’
“Literal po pala yung pagkakasabi niya,” pagbabahagi pa ni Eunice.
“Pero yung pinaka-last words na sinabi po niya bago nung hindi na po siya makapagsalita, ‘Lord, wag muna. Bata pa si Eunice,’” naging emosyonal na saad ng batang aktres.
Sa ngayon ay alaala na lamang ng kanyang ina ang kasama ni Eunice sa darating na kapaskuhan.
The post Kapuso actress na si Eunice Lagusad, hindi inasahang literal na mangyayari ang sinabi sa kanya ng ina na biglaang pumanaw: “Bukas wala ka nang nanay.” appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments