Looking For Anything Specific?

Kris Bernal, handang lisasin ang showbiz basta manalo muna ng best actress award!

Isang bagay lang umano ang makakapag papayag kay Kris Bernal na iwan niya ang showbiz. At ito ay kung mananalo siya ng best actress awards.

Noong December 19, nakapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang online talk show na Toni Talks si Kris. At dito na nga nila napag-usapan ang ilang bagay tungkol sa aktres.

At kabilang na nga dito ay kung ano pa ang gustong makamit ni Kris sa kanyang showbiz career. Isa umano sa pinapangarap niya ay ang magkaroon ng acting awards.

Ayon kasi kay Kris ay laging teleserye lamang ang nabibigay na proyekto sa kanya. Kaya in the near future ay sana daw magkaroon din siya ng movie project.

“For me lang kasi, parang ang tagal ko na sa showbiz, Ms. Toni. Let say 13 to 14 years, so parang naisip ko na I never had quality movies,” ani Kris kay Toni.

“Gusto kong mag-movies. Always akong TV actress,” natatawang sabi pa n’ya. “At saka sa dinami-dami rin ng ginagawa kong shows, like every year may teleserye ako never pa akong nanalo ng best actress award. That’s a dream.”

Sa sandaling iyon ay nabanggit din ni Kris na willing siyang iwan ang limelight kung sakaling mayroon na siyang best actress awards.

“Sabi ko talaga, ‘Sige, I would leave my career once makatanggap na ako ng best actress award.’ Kasi acting nga ’yong gusto ko, ’di ba? Pero grabe, I just get nominated but hindi ko talaga s’ya nakukuha,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa nga ni Kris ay masyadong competetive daw ang mundo ng showbiz. At isang patunay na magaling kang artista ay kung mayroon ka ng acting awards.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang kwentuhan:

The post Kris Bernal, handang lisasin ang showbiz basta manalo muna ng best actress award! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments