Looking For Anything Specific?

Pinoy surfer, Winner Sa Napakagandang Nobyang Foreigner At Maging Mga Netizens Dahil Sa Kabayanihan Nito

Kilalanin ang Pinoy surfer na si Roger Casugay na hindi lamang nakuha ang puso ng madla kundi panalo din sa puso ng isang napakaganda at mala-Diyosang Dutch national na si Lisa Verwiej.

Bukod sa love story ng dalawa na talagang kinakiligan ng marami, naging viral din sa social media si Roger dahil sa kabutihan na kaniyang ipinakita matapos niyang iligtas ang nakalaban niya sa isang surfing competition.

Nakuha niya ang puso ng madla at pati na din ng kaniyang nobyang foreigner matapos niyang iligtas ang Indonesian surfer na kaniyang nakalaban sa nagdaang 2019 South East Asian Games (SEA Games).

 

 

Si Roger ay lumaban para sa kategoryang Men’s Long Board Competition kung saan kasama niya dito ang kaniyang kasintahan na si Lisa. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman ay hindi maiuuwi ni Roger ang medalya ngunit siya ay uuwi namang bayani.

Si Roger at ang Indonesian athlete na si Arip Nurhidayat ay parehong nasa dagat nang masira ang leash nito. Mabilis na nawalan si Arip ng balace na agad namang napansin ni Roger at hindi nagdalawang isip na iligtas ang Indonesian surfer.

 

Tiyak na panalo at mauuwi ni Roger ang Gold medal kung hinayaan lamang niya ang kaniyang kalaban ngunit mas pinili niya na tumigil upang tulungan si Arip. Marami ang nakakita sa kabutihan na ginawa na ito ni Roger kay Arip at lubos na hinangaan at nagpasalamat kay Roger dahil sa kaniyang kabayanihan.

Kaya naman kahit nito nakuha ang medalya ay panalong panalo pa din si Roger sa madla.

Sa kabilang banda, naging viral din sa social media si Roger dahil sa nakakakilig na love story nila ng kasintahang si Lisa.

 

 

Ayon sa surfing instructor, siya ay kinuha ni Lisa para turuan siya at ang mga kaibigan niya na mag-surf. Ngunit habang natututo ng sport, hindi akalain ng dalaga na hindi lang pala surfing ang kaniyang matututunan dito kundi pati na din ang mahalin si Roger.

Hindi naging sukatan sa pagmamahalan ng dalawa ang pagkakaiba ng kanilang lahi. Ang bakasyon lang sana ni Lisa ay mauuwi pala sa “forever”.

The post Pinoy surfer, Winner Sa Napakagandang Nobyang Foreigner At Maging Mga Netizens Dahil Sa Kabayanihan Nito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments