Looking For Anything Specific?

Tunay na kwento ng viral na Pari at ex-girlfriend na kinasal niya umantig sa puso ng mga netizens ngayon!

Literal na pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.

Ito ang tunay na kwento sa likod ng viral priest na naging parte ng kasalan ng kanyang ex girlfriend.

Kahapon nga, December 14, naghatid good vibes ang video na ibinahagi ni Father Roniel El Haciendero.

Sa kanyang vlog sa YouTube ay naging content niya ang kasal nina Korina at Manuel. Bago niya ito ilathala ay sinabi niyang may consent ng mga ikakasal ang nasabing video.

Sa nasabing video, si Fr. Roniel ang nagbigay ng homily sa misa. At doon nga ay ibinahagi niya ang nakaraan nila ng bride na kanya palang dating nobya.

Habang nagsasalita ay sinabi nitong sa dami ng kasalan na kanyang nahawakan ay doon lamang siya kinabahan at pinawisan.

Samantala, matapos magviral ng nasabing video, isang kwento ang lumabas tungkol kina Father at Korina.

Ayon sa istorya, hindi pala pagpapari ang tunay na pangarap ni Father. Kundi ang maging doktor.

Ngunit dahil nabigo siya sa kanyang greatest love ay nagdesisyon siyang pumasok na lang sa seminaryo.

Sampung taon umano siyang naghintay sa babaeng kanyang pinakamamahal. Nagkahiwalay sila dahil dinala sa ibang bansa ng kanyang mga magulang ang dalaga.

Nagkaroon sila ng pangako sa isa’t-isa na maghihintay sa pagbabalik ni Korina. Sampung taon ang hinintay ni Father.

At ipinangako niya sa kanyang sarili na pag hindi bumalik ang nobya ay magpapari na lamang siya.

Hanggang sa saktong araw pagpatak ng sampung taong nakalipas ay bumalik nga ang dalaga. Ngunit para ayusin na ang kanyang kasal sa ibang lalaki.

Ang pinaka highlights pa ng kwento ay si Father pa ang nagkasal sa kanyang pinakamamahal at sa minamahal na nito ngayon.

Narito ang kabuuan ng kwento:

The post Tunay na kwento ng viral na Pari at ex-girlfriend na kinasal niya umantig sa puso ng mga netizens ngayon! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments