Looking For Anything Specific?

Mga larawan ni Melai Cantiveros agaw atensyon ngayon sa social media dahil sa kanyang napakagandang new look

Napa-wow ang maraming netizens sa mga litrato ngayon ni Melai Cantiveros na litaw na litaw ang kanyang kagandahan.

Kung may mga PBB housemates na nagtuloy-tuloy ang kasikatan at pagiging celebrity simula nang pumasok sila sa Bahay ni Kuya. Isa na rito ang ‘Inday Kenkay’ at isa sa mga momshie host ng ‘Magandang Buhay’ na si Melai Cantiveros.

Noon pa man na nasa loob pa lamang ng PBB house si Melai ay kinagiliwan na ng mga netizens ang kanyang pagkakomedyante na hanggang ngayon naman ay taglay parin niya sa kanyang personalidad.

Kamakailan nga lang ay naging agaw-pansin si Melai sa social media. Ito ay dahil sa marami ang nakapansin ng pagiging ‘blooming look’ nito ngayon. Ng ibahagi niya sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan.

Nagpost si Melai ng mga larawan niya habang nasa set siya ng Magandang Buhay. Nakasuot siya ng puting damit at face shield.

Bet na bet ng mga netizen ang new hair color niyang blonde. Sabi nila, nagmukhang fresh at gumanda si Momshie Melai.

 

Sa isa pa niyang post ay naakasuot si Melai ng white maxi dress na gawa sa lace na tinernohan naman niya ng rattan bag at hig heels, at dahil dito ay naging modelo ang kanyang datingan. Naging pansin-pansin rin sa larawan na ito ni Melai, ang pagiging blooming ng kanyang awra.

 

Hindi naman napigilan ng maraming mga netizens ang mapahanga at mapa-wow sa napakagandang look ni Melai.

The post Mga larawan ni Melai Cantiveros agaw atensyon ngayon sa social media dahil sa kanyang napakagandang new look appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments