Sa gitna ng hiwalayan issue nila ni Carlo Aquino, Trina Candaza ipinasilip ang bago niyang tirahan.
Mainit na usapin pa rin ngayon sa social media kung hiwalay na nga ba ng tuluyan. Sina Trina at Carlo na mayroon ng isang anak.
Napabalita ito kamakailan at sinundan pa ng hugot post ni Trina tungkol sa mga lalaking sakit sa ulo.
Samantala, napansin din ng mga netizens na hindi na sa bahay nila ni Carlo tumutuloy si Trina.
Sa halip ay nasa condo na daw ito kung saan siya nakatira noong wala pa silang anak ni Carlo.
Kasama rin ni Trina sa condo ang anak nilang si Mithi, na one year and four months old.
At sa kanyang latest vlog, ay tila kinumpirma na nga ni Trina ang bulong bulungan na ito. Dahil ipinasilip niya sa kanyang mga subscribers ang kanyang bagong bahay.
Sa nasabing vlog entitled “Our New Home” ibinahagi ni Trina ang buhay niya ngayon kasama si Baby Mithi.
Sa simula ng kanyang vlog ay tulog pa ang kanyang anak. Kaya naman sinagot niya ang mga payo umano ng kanyang mga fans.
Na dapat ay magpataba na siya ngunit aniya hindi niya ginustong pumayat sadyang marami lang daw siyang stress at gawain kaya siguro hindi na siya tumataba.
Sa kanyang video ay isa isa ding ipinakita ni Trina ang mga gamit na kanyang binili. Mula sa gamit sa kusina, banyo, sala, at pati pang linis ng bahay.
Sa kabuuan ng vlog ay wala nga roon si Carlo at silang mag-ina lamang ang lumipat sa kanilang bagong bahay.
Ang mini house tour na ito ni Trina ay tila kumpirmasyon na din sa balitang hiwalay na nga sila ni Carlo.
Panoorin dito ang kanyang video:
The post Trina Candaza, ibinahagi sa madla ang kanilang bagong bahay na tinitirahan kasama ang kanyang anak appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments