Looking For Anything Specific?

Bride, Pinakasalan pa rin ang Groom na Pumanaw Ilang Linggo Bago ang Kanilang Pag-Iisang Dibdib

Para sa mag-irog, wala na sigurong mas sasaya pa sa araw ng kanilang kasal. Sa espesyal na araw na ito, masasaksihan ng kanilang mga mahal sa buhay ang kanilang pag-iisang dibdib. Kadalasan ay masaya ang pagdiriwang na ito, at talagang sabik ang bagong kasal na harapin ang kanilang bagong buhay mag-asawa.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi maligaya ang araw ng kasal para sa magkasintahang ito. Dahil imbes na masayang okasyon, nauwi ito sa nakakalungkot na pangyayari matapos ang malagim na trahedya na sinapit ng groom. Ilang linggo na lamang bago ang kanilang kasal, binawian ng buhay ang groom.

December 19 ang nakatakdang pag-iisang dibdib ni Gileen Gutierrez at ng kanyang kasintahang si Marco Luis Dayao. Ngunit sa kasamaang palad, naging biktima si Marco ng isang krimen.

Matapos itong lumabas sa kanilang bahay ay bigla na lamang siyang binaril ng mga di nakilalang suspek, at kalauna’y binawian ng buhay.

Sa kabila nito, nagdesisyon pa rin si Gileen na ituloy ang kanilang nakatakdang kasalan. Ang burol ng mga labi ni Marco ay ginanap sa Father’s Cradle Memorial Chapel sa Malolos, at ito rin sana ang venue ng kanilang pag-iisang dibdib. Emosyonal na ikinasal si Gileen sa kanyang kasintahan, at agad nag-viral ang kanilang nakakaantig na wedding sa social media.

Ayon sa mga netizens, patunay lamang ito kung gaano kabusilak ang pagmamahal ng bride sa kanyang nobyo. Kahit pa pumanaw na ang groom dahil sa isang trahedya, hindi nito napigil ang bride na pakasalan siya sa mga huling sandali niya dito sa mundo.

Sa kabilang banda, sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pangyayaring ito. Ayon sa mga saksi, nakasakay ng Toyota vios sedan ang mga suspek bago sila tumakas. Hinihinala rin ng mga imbestigador na maaaring may kinalaman sa online sabong ang pamamaril na ito.

 

The post Bride, Pinakasalan pa rin ang Groom na Pumanaw Ilang Linggo Bago ang Kanilang Pag-Iisang Dibdib appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments