Looking For Anything Specific?

Ginang na hindi pinautang ng P1,000 pambili ng diaper, siningil ang kumare sa kinain nito sa binyag ng kaniyang anak


Matapos tumangging magpahiram ng Php 1,000 ang ninang para sa pambili ng diaper ng inaanak, ginang nagalit at pinabayaran ang halaga ng kinain ng kaniyang kumara sa binyag ng kaniyang anak.

Ang responsibilidad ng mga ninang at ninong ay ang maging pangalawang magulang sa bata ngunit sa ating mga Pilipino, hindi maiwasang isipin na kapag ikaw ay ninang o ninong ng isang bata, obligado kang magbigay ng pera o hindi kaya man ay regalo sa tuwing may okasyon

Iniisip din ng ibang magulang na kapag madami ang nakuhang ninang o ninong, sagana sa pera at regalo ang matatanggap ng kanilang mga anak.

Isang kwentong mag kumare na naman ang umikot sa social media. Mababasa sa mga screen shot na ito na nanghihiram ang isang ginang ng halagang Php 1,000 para daw pambili ng diaper ng kaniyang anak.

Marahan namang ipinaalala ng netizen na mayroon pang Php 1,500 na utang ang ginang kaya nag aalangan itong magpautang muli at isa pa ay bubuksan na niya ang kaniyang store. Ngunit ang naging sagot ng ginang, ipamasko na lamang daw nito ang utang na Php 1,500 sa kaniyang inaanak at pautangin na siya dahil mapera naman daw ito.

Hindi napigilan ng netizen na magsalita na malayo pa ang Pasko para bigyan ng Aguinaldo ang kaniyang inaanak. At isa pa, sobra ang Php 1,000 para sa pambili lang ng diaper ng bata.

Isinumbat ng ginang ang hindi pagpunta ng kaniyang kumare sa tuwing birthday ng kaniyang anak o kaya man Pasko. Sinabi pang baon na ang netizen sa utang sa kaniyang inaanak.

Idinamay din ng ginang ang nakitang post ng isa pang inaanak ng netizen na kung saan sobra sobra daw ang ibinigay.

Sinabihang mayabang at madamot ang netizen dahil tumanggi itong magpautang. Kaya naman hindi na mapigilan ng netizen na depensahan ang kaniyang sarili.

Sa huli ay sinabi niyang ipamamasko na lang niya ang utang na Php 1,500 sa kaniyang inaanak kahit pa alam niyang kasinungalingan lang ang idinahilan ng ginang noong mga panahong nangutang ito sa kaniya.

Pinalampas niya iyong dala ng awa at pag iintindi nab aka gipit lamang talaga ang ginang.

Madaming netizens ang nagalit din sa post na ito.

Post a Comment

0 Comments