Naawa ang mga netizen sa kalagayan ng isang Lalaki na tampok sa ating kwento na mula sa lugar ng Kidapawan CIty. Ayon sa kwento ang naturang lalaki ay inabandona ng kanyang pamilya at ngayon ay nakatira na lamang sa isang malumot na concrete pipe.
Kwento ng concerned netizen, ang lalaki ay nakilalang si Tatay Victorino Mansana na mula sa Lower Ilomabis at ngayon ay naninirahan na lamang sa isang masukal na lugar, ayon sa kanya inabandona daw siya ng kanyang pamilya kaya naman ngayon ay wala na siyang matirahan at pagala-gala na lamang siya.
Lalong nahabag ang mga netizen ng sabihin nito na umaasa na lamang siya sa mga taong mag-aabot sa kanya ng pagkain dahil wala siyang kakayahan para makabili nito.
Samantala, nanawagan sa social media ang mga netizen na sana ay matulungan si Tatay Victorino ng pamahalaan o kaya naman ay ng mga taong may ginintuang puso para maging maayos ang kalagayan nito.
“PLEASE SHARE PARA MATULUNGAN!
“Gusto ko lang tulungan po si Tatay Vic kahit sa ganitong paraan para mabasa ito ng lahat at bigyan ng kaukulang pansin. Lalo na sa lahat ng may mabubuting kalooban, sa mga nanunungkulan sa Kidapawan.”
“Siya ay si Tatay Victorino Mansano, mula sa Lower Ilomabis malapit sa school ng Cayetano. Inabandona na sya ng kanyang pamilya at pakalat-kalat kung saan-saan. Ngayon diyan sya naninirahan.”
“Minsan pumupunta sa may eskwelahan para doon magpalipas ng gabi. Sana maawa na kayo at tulungan siya. Hindi rin sapat ang kanyang pagkain at umaasa lang sa mga magbibigay sa kanya.”
0 Comments