Looking For Anything Specific?

Lalaki, labis ang paghihinagpis matapos iluto ng kanyang Ama ang mamahaling alagang isda


Bukod sa aso at puso ay isa rin ang Isda na madalas alagaan sa bahay. Dahil nakaka-aliw din ang mag-alaga nito at nakakatanggal din ng stress lalo na sa tuwing papakainin mo ang mga ito at makikita mong malilikot ito at nag-uunahan sa loob ng aquarium.

Samantala, Ano nga kaya ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mo na ang iyong alagang isda ay inu-ulam na pala.

Katulad ng kwento ng lalaking ito na labis ang kanyang paghihinagpis matapos niyang malaman na ang kanyang alaga at mamahaling isda ay iniluto ng kanyang Ama.

Ang kwentong ito ay ibinahagi mismo ng may-ari ng Isda na si Bayu sa kanyang Instagram account. Nag post siya ng isang larawan ng kanyang alagang Arowana na nasa isang plato na at tila handa ng gawing pulutan. Ang isdang ito ay isa sa pinaka-popular at mamahalin na isda sa Indonesia.

Pahayag naman ni Bayu : “My arowana was fried by my father. I bought it in Jatinegara, aged around four years and it had accompanied me in Cikarang for two years.”.

“I bought the golden arowana fish for IDR800,000 (US$56.70) at Jatinegara. It was already expensive then, [and] my fish could have been sold for around IDR2 million (US$141.7),”

Ayon nga kay Bayu nabili raw niya ang kanyang alagang Arowana sa halagang IDR800,000 o P2,840 sa pera natin sa Pilipinas.

Matapos daw ang dalawang taon ang kanyang alaga ay inuwi niya sa kanilang bahay sa Sukuharjo upang maalagan daw ng mabuti ng kanyang magulang. Ngunit hindi raw nabigyan ng maayos na alaga ng kanyang ama ang isda dahil imbes alupuhan ang ipakain dito ay butiki raw ang ibinibigay dito.

Dagdag pa nito na nagkaroon daw ng sugat sa mata ang alaga nito na tila naduduling ngunit kalaanun naman daw ay gumaling ito.

Ngunit isang araw, isang larawan ang sa kanya ay nakarating mula sa kanyang kapatid, Ito ay ang Larawan habang hinahain ang kanyang alagang arowana na ayon sa kanyang kapatid ay iniluto daw ng kanilang tatay kahit walang permiso sa kanya.

Labis naman ang pagluluksa ni Bayu sa nangyari sa kanyang alagang isda at ito nga ay naging usap-usapan sa social media platform, Ngunit hindi nagtagal ay natanggap na rin daw niya ang naging kapalaran ng kanyang alagang arowana.

“I’ve let it go. If I imagine [my father eating my arowana] I feel like throwing up,” saad niya.

Post a Comment

0 Comments