Looking For Anything Specific?

Lalaking ulilang lubos na nagtapos sa kolehiyo bilang Cum Laude at Top 1 sa Engineering Board Exam, Hinangaan!


Hinahangaan ng mga netizen ngayon ang isang binatang nagpursige sa buhay sa kabila ng mga problema at hirap na kanyang kinagisnan siya ay nanatiling matatag at punong-puno ng determinasyon.

Siya si Remington Salaya, mula sa President Roxas, Capiz. Ayon sa kwento ni Remington silang dalawa ng kanyang ate ang magkatulong na nag-alaga ng kanilang apat na nakababatang kapatid nang måmayåpa ang kanilang magulang habang siya ay nasa kolehiyo.

Lahat ay ginawa ni Remington at ng kanyang ate para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya, Nakatapos si Remington sa kolehiyo na may karangalan bilang Cum Laude at hindi lang yan nang siya ay kumuha ng Board Exam siya ang naging Top 1 sa Batch na iyon.

Hindi naging madali kay Remington ang lahat ang kanyang pagiging Estudyante ay puno ng pagsubok at problema. Siya ang pangalawa sa anim na magkakapatid na broken Family.

Kwento ni Remington maaga nawala ang kanilang Ina bata palang siya ay kinuha na daw ito ng Panginoon kaya naman lahat silang magkakapatid ay napunta sa pangangalaga ng kanyang ama na empleyado ng Capiz Sugar Central.

Naibahagi rin ni Remington na noong siya ay nasa High School pa lamang nakaranas silang mag-anak na wala silang kuryente at lahat ng ito ay tiniis niya at nilakasan ang loob.

Kuwento niya, “I finished high school without home electricity, literally doing ‘sunog kilay’ on exam days. I wanted to rise from the soil we have been on.”

Inspirasyon naman niya ang pamilya at ang namayapang ina na bedridden na nang magkolehiyo siya.

Sinabi rin nito na ang kanyang Ina ang dahilan kung bakit Chemical Engineering ang kinuha niyang kurso.

“My mother died when I was a freshman, and she was the main reason I chose chemical engineering. I wanted to develop a process for which she can survive, but my graduation day was too far and too late.”

Laking pasasalamat naman ni Remington na nakatanggap siya ng iba’t-ibang scholarship ng siya ay nag-aaral upang makatuntong sa kolehiyo at makapagtapos.

Aniya, “I was qualified as a DOST-SEI scholar.”

Bukod sa DOST, isang NGO ang nagbigay rin sa kanya ng scholarship. Ang mga ito ang naging paraan upang habang nag-aaral ay nakakatulong rin siya sa kanyang ama.

Subalit, sa hindi inaasahang pangyayari pumanaw rin ng maaga ang kanilang ama dahil sa stroke at ito ay nangyari limang buwan lamang ang nakakalipas ng sila ay masalanta ng Super Typhoon Yolanda sa kanilang lugar.

Nang mga panahon na iyon ay Fourth year college na si Remington sa kanyang kursong kinuha na Bachelor of Science in Chemical Engineering sa Central Philippine University sa Iloilo.

Labis na siya ay naapektuhan ng pumanaw ang kanyang ama pumasok rin sa kanyang isipan na tumigil na lamang sa pag-aaral.

Samantala, nang siya ay nagpatuloy sa pag-aaral mas minabuti niya tapusin ang kurso sa loob ng apat at kalahating taon. Siya nakapagtapos sa kolehiyo noong October 2014 bilang Cum Laude.

Bukod sa pagiging Cum Laude si Remington ay naging topnotcher sa May 2015 Chemical Engineer Licensure Examination.

Source: PEP

Post a Comment

0 Comments