Looking For Anything Specific?

Senior Citizen na online seller, kumikita na ng P500k sa pagbebenta bags sa pamamagitang ng Live Selling


Dahil sa kinakaharap natin ngayon na pandemya ay maraming mga tao ang nawalan ng trabaho, maraming mga kumpanya ang nagsara kaya naman marami sa atin ang gumagawa ng paraan at dumidiskarte ng trabaho para lamang kumita.

Isa na diyan ay ang pagtitinda online, Usong-uso ngayon ang mga online selling dahil kahit nasaan ka man ay maari kang magtinda at makikita ito ng iyong mga customers.

Bukod sa hindi mo na kailangan magbahay bahay para magtinda ay malaki pa ang iyong kikitain dahil hindi muna kailangan pang magbayad ng pwesto ng iyong tindahan.

Mapapansin din natin na hindi lamang mga babae ang nagbebenta ngayon sa online selling,maging ang mga kalalakihan ay nagla-live selling din. Bukod pa riyan maging mga senior citizen ay dumidiskarte rin na maghanapbuhay sa pamamagitan ng online selling.

Katulad na lamang ni Ma. Lourdes Domingo o mas kilala sa tawag niyang “Mommy Luth”.

Sa isang segment ng programang “Unang Hirit” ibinahagi ng host anchor na si Winnie Monsod ang kwento ni Mommy Ruth. Ang istorya nito kung paano ito naging matagumpay sa pag oonline selling.

Ayon sa kwento ni Mommy Luth, naisipan raw nito mag benta ng mga bags online. Subalit hindi basta-basta bags ang binebenta niya kundi mga mamahaling secondhand na luxury bags.

Kwento nito kaya raw niya ito ginagawa ayh para sa kanyang pumanaw na matalik na kaibigan.

Si Mommy Luth raw ay labis na nalungkot sa pagkawala ng kanyang kaibigan at para kahit papaano raw ay maibsan ang kanyang kalungkutan, sinubukan umano ni Mommy Luth na mag live selling ng kanyang mga branded bags.

Samantala, hindi rin basta-basta ang mga halaga ng kanyang bag, kaya naman ay umabot raw sa Php 500,000 ang kinikita niya kada live session.

Ang pagla live selling raw ni Mommy Luth ay mapapanood sa page nito na “Mommy Inspire and Prosper” at nakapag-benta na raw siya ng 20 bags sa kanyang live selling.

Dagdag pa ni Mommy Luth, hindi daw siya nahirapa nan ibenta ang kanyang mga bags dahil mga magaganda ito at tunay na mga branded.

Dahil sa pagbabago ng pamamaraan ng pagnenegosyo at pagbebenta ngayon, hindi lamang ito nakakatulong na kumita ng pera bagkus karamihan ay naaliw din dito at nakakatanggal ng stress.

Katulad ni Mommy Luth na mayroon pinagdadaanan na kalungkutan at ang pag live selling ay nakatulong sa kanya upang maaliw ang sarili.

Kaya naman sa halip na si Mommy Luth ay magmukmok sa bahay dahil sa pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan, minabuti na niyang maging abala ang sarili at masaya sa kanyang mga live sessions.

Post a Comment

0 Comments