Looking For Anything Specific?

Grupo ng mga Construction Workers, nakahukay ng halagang P300k habang nagbubungkal ngunit dismayado nang ipapalit na


Sa ating pag gising sa umaga, hindi mo naman din malalaman ang mga maaaring mangyari kahit pa ang lahat ay nakaplano na. Bilang isang manggagawa, natural lamang na gumising ng maaga at maghanda sa pagpasok upang gawin ang mga naturang trabaho.

Minsan sa ating trabaho ay nakakatanggap tayo ng biyaya o minsan ay hindi magandang pangyayari na hindi natin inaasahan.

Samantala, isang biyaya ang gumulat sa grupo ng mga construction workers na ito nang aksidenteng natagpuan ang limpak limpak na salapi habang nagbubungkal ng lupa sa perimeter fence sa isang covered court sa Barangay Telaje, Tandang City, Surigao Del Sur.

Nagulat sila sa bumungad sa kanila na sobrang daming pera agad nila hinanap kung sino ang may-ari ngunit wala itong pagkakakilanlan kung kanino ito.

Tila ang mga pera na ito ay matagal nang nakabaon sa lupa sapagkat ang mga perang papel ay luma na. Mayroong P5, P10, P20, P50, P100, P200, P500 at P1000.

Ayon sa pakikipagpanayam ng Police Regional Office 13 Spokesperson Police na si Maj, Renel Serrano, wala pa din silang pagkakakilanlan sa tunay na may- ari ng mga salapi na natagpuan.

Samantala, nasa P19,000 lamang ang naibalik sa pulisya ng ibang construction worker kahit pa tinatayang P300,000 ang kabuuang halaga ng nahukay ng mga ito.

Nagbigay pahayag din naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas na wala nang monetary value ang mga lumang papel kaya hindi na ito magagamit pa. Higit pa doon, hindi na din daw posibleng mapapalitan ito sa bangko dahil ito ay ituturing na lang collector’s item.

Post a Comment

0 Comments