Palagi natin naririnig sa ating mga magulang maging sa ating mga guro na pagdating sa buhay at ating pangarap ay palagi lang tayo mag pursige upang makamit natin ang tagumpay na ating minimithi at pinapangarap.
Pagdating sa ating mga pangarap walang malaki o mataas kapag tayo ay marunong magtiyaga at magtiis ay tiyak na ito ay ating mapagtatagumpayan.
Ganyan ang pinatunayan ng 11 years old na si Rhea Ballos mula sa Bulasan, Ilolo. SIya ay nag-uwi ng tatlong gintong medalya sa 400m, 800m at 1500m run sa ginanap na Iloilo Schools Sports Council Meet.
Samantala, ang labis na nakakahanga kay Rhe ay wala itong gamit na sapatos sa kanyang pagtakbo, tanging surgical bandage ang pantakip niya sa kanyang mga paa upang kahit papaano ay makaiwas sa anomang makakasugat habang siya ay tumatakbo.
Natuwa naman ang mga netizens dahil may naka-drawing na logo ng kilalang brand na “Nike” sa surgical bandages na si Rhea mismo ang naglagay.
Ayon sa 11 years old na si Rhea, Inimagine niya raw na mamahaling sapatos ang kanyang suot. Tila ito raw ang nagbigay ng determinasyon kay Rhea upang makuha ang tatlong gintong medalya.
Hindi naging dahilan sa kanya ang kakulangan sa gamit upang makamit ang tagumpay. Maging ang head coach ng Alaska Aces na si Jeff Cariaso ay humanga sa batang babae.
Nagpatulong siya sa kanyang mga followers sa Twitter upang makausap si Rhea.
Nakatanggap si Rhea ng papuri at paghanga mula sa mga netizen :
“Ang sapatos po ay ginagawa at ginagastusan designed to run faster and comfortable sa feet. Hindi po yang suot nya baka madulas pa sya dyan. Mga Sponsors alagaan na si ineng magaling at promising sya. Baka makakuha tayo ng bagong Lydia de vega sa katauhan niya,” sabi ni Aldwin Clariza.
“Her determination to win is a goal despite of poverty. Congratulatulations. Your dreams begin there to attain more success in life to help your family, the country, and yourself to feel the sweat of blessings,” sabi ni Prince Been.
“that is , as far as I know the most comfortable one. Pero bueno .. masakit yan sa semento .. promise…. magaling tong batang to. Nilaro lang nya yung contest .. pano pa kaya pag may sapat syang training at accessory? Magiging gold medalist to sa Sea games or more Olympics!” sabi ni Jhenny Sbrollon.
0 Comments