๐๐ข๐ถ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฑ๐ฆ๐ต๐ถ๐ฉ๐ช๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ.
Photo Credit via Google
May ilan panga na hindi makakalimutan ang sakripisyo ng mga magulang upang sila’y mabigyan ng maayos at magandang buhay, at bilang ganti nga sa pagmamahal ng mga ito at pagsasakripisyo ay ginagawa rin ng mga anak ang lahat upang sa pagtanda ng kanilang mga magulang ay maranasan din ng mga ito ang maayos at masaganang pamumuhay.
Photo Credit via Google
Sa social media nga noong nakaraan lamang ay isang storya ng isang anak na ampon lamang ang nagpa-antig sa maraming netizens, ng ibalik nito sa mga magulang na umampon sa kanya ang pagmamahal ng mga ito sa kanya noon sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ngayon ng maayos at masaganang buhay.
Photo Credit via Google
Nagpasalamat nga ang binatang si Jayvee Lazaro Badile II, sa kanyang mga magulang na umampon sa kanya na sa kabila ng hirap ng mga ito noon, ay ginagawa pa rin ng mga ito na siya ay buhayin at ituring na parang sariling anak ng mga ito.
Photo Credit via Google
Hirap man sa buhay ang mga magulang na nag-ampon sa kanya dahil isang Porter lamang ang kanyang kinagisnang ama at tindera naman ang kinagisnan niyang ina ay hindi naman ito naging hadlang upang hindi maging masaya ang kanilang pamilya.
Photo Credit via Google
Itinuring umano siyang sariling anak ng mag-asawa, at binigyan ng maayos na buhay sa abot ng makakaya ng mga ito.
Photo Credit via Google
Makikita sa isang collage picture na ibinahagi ni Jayvee, kung gaano siya ka-bless sa kanyang buhay sa pagdaan ng mga taon.
Noong nakaraang taon nga ay tila isang napakagandang taon para kay Jayvee, dahil nagtatrabaho na siya bilang branch manager ng isa sa pinakamalaking insurance company dito sa ating bansa.
Mula nga rito, ay unti-unti ng nagbago ang katayuan sa buhay ng binata, ngunit syempre kasama sa pagbabagong ito ang buhay rin ng kanyang mga adoptive parents na nagmahal at nagpalaki sa kanya.
“When nanay and tatay adopted me, it wasn’t a good life. Nanay isa a vendor, Tatay is a porter.” Dahil sa maayos na ang kanyang career at buhay, unti-unti na ngang ipinararanas ni Jayvee sa kanyang kinalakihang mga magulang ang masaganang buhay, kung saan isa ito sa mga daan niya ng pagbabalik ng pagmamahal na ibinigay ng mga ito para kanya.
Nagawa na niyang ipasyal ang mga ito sa bansang Australia, at mabilhan ang mga ito ng mas maayos at kumportableng damit at mga gamit. “Now that I have a chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than what they could ever imagine.”
Ngayon nga ay tila nasa estado na rin si Jayvee, na bigyan ng isang maayos at magandang tahanan ang kanyang mga magulang, dahil makikita sa isang larawan ang isang lupain na binisita nilang mag-anak na kung saan itatayo ang kanilang dream house.
Nakakabilib nga naman ang ginagawang pagbabalik ng pagmamahal ni Jayvee sa kanyang mga adoptive parents, at ayon nga sa binata ay deserve ng mga ito ang lahat ng bagay na mayroon siya ngayon dahil sa pagmamahal na ipinagkaloob ng mga ito sa kanya sa kabila ng hindi siya tunay na anak ng mga ito.
The post Isang Laโaking Ampon Ang Ibinaโik Sa Kanyang Adoptive Parents Ang Lahat Ng Kabutihan Nito Sa Kanya appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed






0 Comments