Usap-usapan ngayon sa social media ang isang video ng babaeng Food Panda na hindi mapigil sa pag-iyak at paglulupasay sa kalsada matapos manakaw ang kaniyang bisikleta na gamit sa kanyang paghahanapbuhay.
Kahit sino man ang makapanood ng naturang video ay talagang maawa sa sinapit ng babaeng delivery rider.
Ito na lang daw kasi ang kanyang ginagamit para lamang makapag-hanapbuhay kaya naman labis ang kanyang hinagpis nang manakaw ang bisekleta.
Sa unahan ng video ay makikita ang isang babae na nakaupo sa tabi ng kalsada at kung ito ay pagmamasdan maigi makikita na umiiyak ito dahil pagka-nakaw ng kanyang bisekleta.

Hinala ng marami, siguro daw ay ipinarke muna ito sa gilid ng kalsada dahil may delivery na ihahatid ang naturang babaeng delivery rider.
Ngunit hindi niya akalain na sa kanyang pagbalik ay wala na ang kanyang bisikleta at nakuha na ng kawatan.
Wala ng nagawa pa ang babaeng delivery rider kundi maglupasay sa kalsada at mag-iiyak dahil ang kanyang bisekleta na ginagamit sa paghahanapbuhay ay natangay na.
Mapapanood rin sa video na maraming lumapit na concerned citizen sa babae upang ito ay pakalmahin.
Narito naman ang naturang caption post at video ng kaawa-awang delivery rider:
“Makikita sa video sa video ang malakas na pag iyak ng isang food panda rider matapos nakawin ang bike nito.
Grabe talaga yung tao na gumawa nito. Magtrabaho naman sana kayo ng marangal! Grabe hagulgol ni ate kita mo talaga na sobrang importante sakanya yung bike.”
0 Comments