𝙰𝚗𝚐 𝚙𝚛𝚒𝚗𝚜𝚒𝚙𝚊𝚕 𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚜𝚊 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚎𝚜𝚔𝚞𝚠𝚎𝚕𝚊𝚑𝚊𝚗. 𝚂𝚒𝚢𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚒𝚜𝚖𝚘𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚗𝚒𝚗𝚒𝚐𝚞𝚛𝚘 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚝𝚒𝚗𝚞𝚝𝚞𝚛𝚞𝚊𝚗 𝚗𝚐𝚊 𝚋𝚊 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚐𝚞𝚛𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚎𝚜𝚝𝚞𝚍𝚢𝚊𝚗𝚝𝚎 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚊𝚊𝚢𝚘𝚗 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚊𝚢𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚎𝚜𝚔𝚠𝚎𝚕𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚗𝚊 𝚍𝚒𝚗 𝚜𝚊 𝚒𝚔𝚊𝚞𝚞𝚗𝚕𝚊𝚍 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚎𝚜𝚝𝚞𝚍𝚢𝚊𝚗𝚝𝚎.
𝙽𝚐𝚞𝚗𝚒𝚝, 𝚑𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚊𝚗 𝚗𝚐𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚙𝚎𝚕 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚊𝚖𝚙𝚊𝚗𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚛𝚒𝚗𝚜𝚒𝚙𝚊𝚕 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚖𝚊𝚜𝚒𝚐𝚞𝚛𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚊𝚢𝚞𝚜𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚎𝚜𝚔𝚠𝚎𝚕𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚖𝚊𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕𝚊𝚊𝚗?
Para sa 59-anyos na prinsipal na si Elmer Lumbo ng Hanaba Integrated School, Buruanga, Aklan, umaapaw ang pagmamahal at dedikasyon na ipinapakita nya sa kaniyang trabaho dahil maging sa pag-aayos ng mga istruktura ng kanilang eskuwelahan ay napaka hands on niya.


Sa larawan na ibinahagi ng kaniyang anak sa social media na si Jose Elvis Michelet Lumbo, kahit pa daw 8:51 na nang gabi noong mga panahon na iyon ay nasa eskwelahan pa ang kaniyang tatay dahil nagri-riprap at nagsesemento pa ito ng hagdan.
Ani Lumbo sa kaniyang social media post gamit ang kanilang dayalekto,
“Wala ako kakita ka principal sa bilog ka Pilipinas nga ga-mason, ga-construction kag gapasadya kang school nila. Si tatay Sir Elmer Lumbo lang gid, principal kang Habana Integrated School, Buruanga, Aklan.”


Nang makapanayam si Jose Elvis sa Aksyon Radyo Iloilo, napakasipag daw talaga ng kaniyang ama. Halos nga hindi na umuuwi ang kaniyang tatay sa kanilang bahay tuwing tanghalian para lamang matapos ang mga papeles sa skul.
Kahit nga daw noong kaarawan nito noong Hulyo 19 ay pumunta daw ito kaagad ng umaga sa skul para diligan ang mga halaman.
Nanguna naman daw ang kaniyang ama sa konstruksyon ng mga istraktura sa paaralan para masiguro na tama ang pagkakagawa nito. Madalas din daw itong mag-overtime nang sa gayon ay mabawasan ang kaniyang mga gawain.
Si Sir Elmer ay kilala ng kaniyang mga estudyante sa sipag at kabaitan nito. Inulan si Sir Elmer ng mga papuri mula sa kaniyang mga estudyante sa nasabing post ng kaniyang anak na si Jose Elvis.

Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Sir Elmer Lumbo is a very dedicated educator, a loving husband and father and a very down to earth, hard-working man. Thank you sir for your exemplary service to our learners and co-workers. May God bless you with good health and safety always.”
“Di talaga siya nagbago kahit principal na siya. Teacher pa namin ‘yan ng elementary. Ganyan na siya. Proud ako sir Elmer na naging teacher kita. Grade 6 adviser namin ‘yan ng elementary.”
Si Sir Elmer ay mayroong anim na anak kung saan ang apat sa kanila ay nakapagtapos na ng pag-aaral. Dalawa sa mga ito ang naging guro.
The post Prinsipaℓ, Umani Ng Papuri Dahiℓ Sa Kasipagan At Pagiging “Hands-on” Sa Pagsesemnto Ng Paaralan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments