Lubhang mabilis ang pagkalat ng community pantry sa iba’t ibang lugar sa ating bansa. Naunang nakaisip ng ‘community pantry’ ay ang isang barangay sa Quezon City at ito ay ang “Maginhawa Community Pantry” na nagsilbing inspirasyon sa maraming tao. Mayroong katagang nakasulat sa nasabing community pantry, “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”
Sunod-sunod na din ang mga isyu tungkol sa mga community pantries gaya ng anim na babae na sinimot ang lamat ng community pantry sa kanilang lugar at talagang nag-viral ito sa social media at umabot pa ang isyu na ito kay Idol Raffy Tulfo.
Kasunod naman nito ang community pantry na ginawa ni Angel Locsin na isinabay niya sa kanyang kaarawan na nagdulot ng pagdagsa ng mga tao at mayroon pang matandang lalaki na binawian ng buhay.
May ilan man na hindi naging maganda ang idinulot ng community pantry ay mas marami pa din ang naging maganda ang kinalabasan. Malaking tulong ito para sa mga tao na kapos at salat sa buhay lalo na ngayong panahon ng pand3mya.
Layunin ng community pantries na tumulong sa kapwa at bukas din sila sa mga taong nais mag-abot ng tulong. Isang community pantry naman sa Hagonoy, Bulacan ang nagmistulang palengke sa dami ng iba’t ibang klase ng pagkain gaya ng mga gulay, isda at iba pa.
Sa ilang larawan na ibinahagi ni ABC Pres. Jhane Estrella Dela Cruz ay makikitang sumusunod ang mga tao sa social distancing na isa sa pinaka-importante sa safety protocols.
“Maraming salamat po sa siksik, liglig at umaapaw na pagpapala na naipamahagi po natin sa ating mga minamahal na Ibanians, unlimited supply and sky is the limit para po sa lahat! Nawa po ay sa simpleng paraan ng ating walang sawang pagtulong ay mas marami pa ang ma inspire sa ginagawa natin na pagbabahagi para sa mga higit na nangangailangan!” Ayon sa caption ng kanyang facebook post.
Nakakaantig Ng Puso Ang Ginawa Ng Isang Organisasyon Na May Proyektong “WALANG BABAYARAN KAHIT PISO” Upang Makatulong Sa Kanilang Mga Mamamayan
The post ABC President ng Hagonoy, Bulacan, Ibinahagi ang Kanilang Mala-Palengkeng Community Pantry! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments