Isa sa mga ginagawang paraan ng mga tao na nais magkaroon ng lovelife o umaasang matagpuan ang taong tingin nila ay nakatakda sa kanila ay ang pakikipag blind date.
Ang pakikipag-blind date ay isang usapang pakikipag kita ng dalawang tao na hindi pa kilala ang isa`t-isa at hindi pa nagkikita sa personal.
At dito sa blind date ang unang pagkakataon na sila ay magkikita at magkaka-kilala dito rin sa tagpo na ito nila malalaman kung magugustuhan nga nila ang isa`t-isa.
Marami naman tayong naririnig na mga kwentong blind date na kung saan ay nagging matagumpay at iba pa nga ay nagkakatuluyan sa pagiging mag-asawa.
Ngunit kung minsan ay mayroon din naman na hindi maganda ang kinalabasan o kina-hinatnan ng kanilang pakikiupag blind date.
Katulad na lamang ng kwentong ito ng isang blind date na talaga namang naging usapin sa social media.
Tungkol sa isang dalaga mula sa China, ito ay matapos niyang makipag blind date ngunit sa kanyang blind date ay nagsama ay siya ng 23 niyang kamag-anak upang patunayan at malaman kung ang lalaking kanyang ka date ay mapagbigay o hindi.
Noong una daw ay naging maayos naman kausap at kadate ang lalaki at hindi naman nagalit ito ng magsama ang dalaga ng mga kamag-anak.
Ngunit hindi daw inasahan ng lalaki na oorder ng napakaraming pagkain ang mga kamag-anak nito. Kung saan ay umabot sa halagang $2,800 ang naging bill nito.
Ayon pa sa kwento ang naturang blind-date ay sinet-up umano ng Ina ng lalaki, Dahil nag-aalala na daw ito para sa kanyang anak na hanggang ngayon ay “single” parin baka daw umano hanggang sa pagtanda ay hindi ito makapag-asawa.
Samantala, ng iabot na ang bayarin sa restaurant kung saan sila nag ‘blind date’ ay nagulat ang lalaki ng halaga ng kabuuang bayarin ng kanilang order na umabot ng $2,800 at lalong ikinagulat nito ng sabihin ng dalaga siya ang kailangan magbayad nito.
Pahayag naman ng dalaga kaya daw siya talaga nagsama ng napakaraming kamag-anak at nag-order ng napakarami ay dahil nais niya lamang ma-itest ang pagiging mapagbigay ng lalaki.
Ngunit sa hindi inaasang pangyayari imbis na bayaran ng lalaki ang halaga ng inorder nila ay ang kinain lamang nito ang kanyang binayaran at pagkatapos bayaran ang kanyang kinain ay iniwanan na ang dalaga at ang mga kamag-anak nito.
At dahil Ina nga ng lalaki ang nag set-up ng naturang blind date ay ito ang naging tagapamagitan ng dalawa tungkol sa issue ng pagbabayad ng bill sa kanilang mga kinain.
Ngunit nanindigan ang lalaki na siya magbabayad ng napakalaking bill sa restorant na inorder ng mga kamag-anak ng babae.
Kwento naman ng binata, Okay lang namna daw na bayaran niya ang “bill” kung ang kasama lamang ng dalaga ay isa o dalawang kamag-anak.
Ngunit ang magdala daw ito ng 23 bilang ng mga kamag-anak ay parang sobra-sobra naman daw ito para lamang daw patunayan kung siya ay mapagbigay.
Dahil sa naging usap-usapan ito sa social media ay maraming netizen rin ang nagbigay ng iba`t-ibang opinyon tungkol sa ginawa ng dalaga sa kanilang blind date.
Ayon sa iba ay hindi naman daw talaga tama ang magsama ng ganon karaming kamag-anak kahit sino daw ang nasa sitwasyon ng lalaki ay talagang matatakot sa laki ng bayarin.
Pahayag pa ng ibang netizen isa hanggang dalawang kasama sa pakikipag blind date ay sapat na ngunit kung magsasama ka ng napakarami ay hindi ata tama yon at ang magiging tingin lamang ng iba ay libreng pagkain lamang ang habol ng mga ito sa blind date niyo.
Source: Daily Mail
0 Comments