Looking For Anything Specific?

Isang Alagang Aso, araw-araw hinihintay ang kanyang amo sa labas ng sélda kung saan ito nakakuløng

Tunay nga ang kasabihan “A dog is a man`s best friend” yan ang pinatuyan ng kwentong ibinahagi ni Micheal Sumaylo na taga-Bohol nang magpost siya sa kanyang Facebook account na “Aspin Lovers Philippines” noong 24 ng Pebrero.

Ayon sa post ni Micheal, Nagtataka siya sa isang Aso na lagi nasa labas ng kanyang pinagtatrabahuhan sa tuwing pumapasok siya sa trabaho hanggang sa makauwi ay nakikita pa rin nito sa labas ang aso.

Noong una daw ay inakala niya lamang na nagpapahinga ito. Subalit nang siya ay magtanong-tanong nalaman niya din ang dahilan kung bakit palaging naroon ang naturang aso.

Ang dahilan pala kung bakit laging naroon ang aso ay hinihintay ang kanyang Amo na nasangkot sa isang Kaso at nakulong.

“Napakasakit, Nakakadurog ng damdamin. Kahit pala anong mangyari andytan sila sumusuporta, umaasa, nagmamahal na walang katapat. Aspin Tunay ka!” Isang bahagi ni Micheal sa kanyang Post.

Dalawang araw ang nakalipas matapos ipost ni Micheal ang kwento ng naturang Aspin ay nagbigay siya muli ng Update tungkol dito.

Sinabi niya na mababait daw ang mga Pulis dahil pinapayagan daw nitong makapasok ang nasabing aso sa loob ng istasyon kung saan nakakulong ang Amo nito.

“10:55 AM, nag-iba po tayo ng detalye. Nakapasok po ako sa station. Nandon po yong aso. Hindi pala umuwi. Mabuti ang pulis pinayagan nilang makapasok ang aso. Nasa gilid siya ng selda matutulog, pinapakain ng mga inmates.”

Maraming Netizen naman ang humanga sa kwento ng naturang Aspin dahil sa pagiging tapat nito sa kanyang Amo. Pero marami din ang netizen na nangangamba dahil baka wala raw mag-alaga sa Aso kung sakaling hindi na makalabas ang amo nito.

Nanawagan naman sila sa ibang may mabubuting puso na maaring kumupkop sa naturang Aspin.

Samantala, May isang netizen naman ang nagbahagi ng kwento at update sa naturang Aso. Umuwi daw ito sa bahay ng Ina ng kanyang Amo at ito ay pinakain.

Subalit pagkatapos daw nito ay bumalik muli ang aso sa Istasyon para bantayan ang kanyang Amo na nakakulong.

Post a Comment

0 Comments