Looking For Anything Specific?

Isang Pamilya sa Cagayan naIason matapos kumain ng Alimangong ito, dalawang bata hindi nakaIigtas

Ang mga pagkaing seafoods ay madalas na hinahangad ng maraming tao.

Maaaring mula sa lamang sa simpleng putaheng isda hanggang sa mga putaheng mayroong mga hipon o alimango na.

Gayunpaman, dahil ang karagatan o tubig ay isang malaking bahagi mundo, may ilang mga uri o species ng crustacean na napakapanganib kapag natagpuan sila ng mga tao.

Ang pamilyang ito mula sa Cagayan ay nasasabik na kainin ang mga alimango na inuwi ng kanilang ama nang hindi nila alam na maaari pala itong magdulot ng pinsåla sa kalusugan ng kanilang buong tahanan.

Ayon sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ang ina ang nagluto ng mga alimango na dinala sa bahay ng kanyang asawa, tiniyak niya na nalutong mabuti ito bago ihain sa kanilang mga anak.

Nang sinubukan ng ama na kainin ang mga alimango, naglasa itong maasim sa isang kakaibang paraan na hindi umayon nang maayos para sa kanyang panlasa.

Pagkatapos, ilang sandali lamang, nakaramdam siya ng pagsusuka ngunit wala nang lumalabas sa kanyang bibig.

Kahit na ang asawa niya ay nakaramdam ng pagkahilo at pagduwal. Dumating pa ito sa punto kung saan parang manhid na ang katawan niya.

Naging mas masahøl pa ang mga pangyayari nang magsimulang magsuka din ang kanyang dalawang taong gulang na anak at nahirapan sa paghinga ang kanyang limang taong gulang na isa pang anak.

Para bang may kung anong pumapasok sa kanyang lalamunan.

Pagkatapos ay isinugod ang buong pamilya sa 0spital. Nakalulungkot lamang at hindi naisalba ang mga bata at binawian ng buhåy habang ginagamøt. Ang ama ay naman ay nasa cømatøse na.

FYI: Warning! Poisonous Crabs
can be identified through their dark spots that usually covered a part or their whole…

Posted by Myriad Farms on Thursday, August 15, 2019

Samantala, ayon sa page sa Facebook, binalaan na ng Myriad Farms ang lahat tungkol sa mga lasøn ng species ng alimango na kasama ang Zozymus Aeneus at Atergatis floridus.

Kasama rin sa kanilang post ang mga larawan ng nasabing species.

Post a Comment

0 Comments