Looking For Anything Specific?

Isang Pinay OFW na itinaya ang kanyang huling pera sa Iotto, instant milyonaryo matapos manalo ng P4.5 Million Pesos

Bawat isa sa atin ay may iba`t-ibang kapalaran sa buhay. Mayroon sa atin ang maswerte sa tadhana sa buhay at ang ilan naman ay masasabing hindi pinalad sa buhay.

Ang iba ay nagpapakahirap at nagsusumikap para magkaroon ng marangya sa buhay samantalang ang iba kung minsan sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla nalang yayaman at gaganda ang buhay.

Katulad na lamang ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa UAE dahil siya ay naging instant milyonaryo matapos niyang isugal o itaya ang kanyang kahuli-hulihang pera sa lotto.

Ayon dito ipinagsapalaran niya sa lotto ang kanyang huling perang hawak kahit walang kasiguraduhan nang pagtaya dito.

Talagang hindi daw niya akalain na siya ay mananalo rito at sinabi rin nito na kailangan kailangan kasi nito ngayon ng pera lalo na ngayong pandemiya.

Ngayong panahon ng Pandemiya ay talagang mahirap ang mawalan ng trabaho at pagkakakitaan sa pang-araw-araw.

Kaya naman talagang masasabing masuwerte at pinalad si Remedios Bombon na nagtatrabaho bilang OFW at naabutan pa ng lockdown sa UAE.

Ayon kay Remedios isa siyang House Keeper at bus attendant sa UAE bago pa magkaroon ng lockdown. Ngunit dahil nga sa pandemiya ay natigil ang kanyang pagtatrabaho.

Hindi daw naging madali ang buhay ng mga Pinoy sa UAE dahil sa hirap ng trabaho dito bilang house keeper.

Ikweninto rin ng Pinay OFW na ang kanyang huling pera na natitira sa wallet na nagkakahalaga ng AED6o o may katumabas na P820 ay kanyang ipinagsapalaran na itaya sa lotto.

Ang naturang pera daw ay ang kanyang huling pera dahil tatlong buwan na siyang walang trabaho at hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pangtustos sa kanyang pamumuhay.

Hindi daw siya nawalan ng pag-asa at palagi daw siya nanalangin na sana daw ay palarin siya sa lotto kahit daw 4 na numero lamang ang kanyang makuha.

Ngunit labis ang kanyang pagkagulat nang pati ang ikalimang numero ay kanya ring nakuha. Kaya naman siya ay nanalo na nagkakahalaga ng P4.5 Milyon o AED 333,333.

Labis daw ang kanyang pagkagulat at halos hindi siya makapaniwala. Hindi daw niya alam ang kanyang mararamdaman sa mga oras na iyon. Bumuhos rin daw ang kanyang luha sa sobrang pagkasaya sa biyayang binigay sa kanyang ng Panginoon.

Kwento pa ni Remedios, dahil daw sa kanyang napanalunan ay sa wakas ay makakapag patayo na rin siya ng sariling bahay at magkaroong ng kanyang sariling negosyo.

Dagdag pa niya na dahil rin daw sa kanyang pagtama sa lotto ay maari na siyang umuwi ng Pilipinas upang dito magsimula ng panibagong buhay kasama ang kanyang Pamilya.

Post a Comment

0 Comments