Looking For Anything Specific?

Pinay OFW Sa UAE, Nanalo ng P4.5 Million Matapos Itaya Ang Kahuli-Hulihang Pera

May kasabihan na mas mataas pa ang pagkakataon mo na tamaan ng kidlat kumpara sa tumama sa lotto. Pero kung minsan ay kapag ang isang bagay ay talagang para sayo at ikaw ang nakalaan na manalo ay talagang ibibigay sayo.

Katulad na lamang ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na ito sa UAE na naging instant milyonaryo matapos manalo sa sinalihang lotto.

Gaya ng karamihan sa ating mga OFW, si Remdios Bombon ay nagbakasakali lang din na mabago ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto.  Ayon sakanya ay hindi niya inaasahan na siya ang tatanghaling panalo. Sa kabila ng hirap kumita ng pera lalo’t pandemya ay napilitan itong isugal ang kanyang huling pera na itayo sa lotto.

At bagama’t alam nito na sa pandemyang kinakaharap ng mga bawat bansa ay napakahirap mawalan ng mapagkukunan ng pangangailangan araw-araw. Pero talagang sumugal pa din ito sa kanyang kapalaran.

Si Remdios Bombon ay isang house keeper at bus attendant ngunit dahil sa pandemya na naging dahilan upang magkaroon ng lockdown ay na hinto ito sa pagtratrabaho.

Ayon sakanya, ang nitrang pera nito sa wallet ay nagkakahalaga lamang ng 820 Pesos sa ating pera o AED 60 sa pera sa UAE. Dagdag pa nito ay tatlong buwan na siyang walang hanap buhay at hindi nito alam kung saan kukuha ng pangtustos sakanyang pang araw-araw na pangangailangan. Kaya ito sumugal na tumaya sa lotto at sa kabutihang  palad ay nanalo naman ito ng halaga na makakapag pabago ng kanyang buhay.

Ang halaga ng kanyang napanalunan ay tumataging-ting na 333,333 AED o P4.5 Milyon sa pera natin sa Pilipinas. Kung saan ay maaari na itong makabili ng lupa, makapag patayo ng bahay, at makapag simula ng maliit na Negosyo. Higit sa lahat ay maaari na rin nitong makasama ang kanyang pamilya at hindi na kaylangang pang lumayo para maghanap buhay.

Ayon naman sa mga netizen na nag bahagi ng kanilang kommento sa istorya ni Remedios. Sa kabila ng kanyang pagkapanalo ng malaking halaga ay kinakailangan na mas mapagplanuhan nito na ang paggamit sa pera upang hindi mapunta sa wala katulad ng ilan sa mga nababalita na nauubos agad ang napanalunan.

“Sana ay gastusin niya ng tama ang kanyang napanalunan…Di katulad sa ibang mga nanalo rin sa lotto na talagang nawaldas at walang naipundar”

“Kung ako sakanya ay isisimula ko agad ng Negosyo ang pera at uuwi na sa pilipinas.”

“Congrats! Kababayan, ibangko mo agad!”

Narito ang video na ibinahagi ng YouTube Channel na K-ALAMOM, kung saan ay umabot na sa 9,000 ang nanood sa video.

Read also:

Mystica to Angel Locsin: “Wala kang utak. Wala ka nun.”

Binatikos ng singer-actress na si Mystica ang actress-philanthropist na si Angel Locsin kaugnay ng nangyaring insidente sa community pantry nito sa Holy Spirit, Quezon City.

Matatandaang nagtayo ng community pantry si Angel bilang selebrasyon sa 36th birthday nito upang makatulong sa mga apektado ng ραndємуα sa lugar.

PHOTO: ABS-CBN

Dinagsa ito ng mga tao at hindi napigilan ang pagkakagulo sa pila.

Isang senior citizen ang inatake sa puso at namatay habang nakapila at umaasang makakakuha ng ayuda.

Humingi na ng paumanhin si Angel at inako ang pagkakamali at responsibilidad sa nangyari.

Sa interview naman sa mga anak ng ρυмαηαω na senior citizen ay nagpasalamat ang mga ito sa naging tulong ni Angel.

Wala ring sinisisi ang mga ito sa nangyari.

Sa isang video, ibinulalas ni Mystica ang kanyang saloobin sa nangyari sa nasabing community pantry.

Ang kapalit ng gulay, buhay. Kung di ba naman kagag*han yun. I am not against the others na gumagawa ng ganun. Pero ito, totally different story. May nagbuwis ng buhay eh. May tao na talagang nag-suffer.

Para sa kanya, pagpapasikat lamang ang ginawa ni Angel.

Ang ginawa mo lang is magpasikat. Tumawag ka pa ng media tapos caught in the act ka pa. Nakita sa Facebook at YouTube na nag-aabot ka sa press people. There you go, di ba publicity? My Goodness! Wag nyo sabihin na mas magaling pa kayo sa gimik. Ako, sumikat ako kasi pinaandar ko ang pera ko noon at isa ako sa pinakakontrobersyal noon. And I know kung paano ang lakad ng showbiz. Pera lang yan, instant sikat ka. Kaya nga ako sumikat agad, di ba?

Ang tinutukoy niya ay ang nakuhanan sa video na pag-aabot umano ng pera ni Angel sa isang tao na nakasuot ng ID ng GMA-7.

Nilinaw na ng GMA Network na hindi empleyado ng GMA News and Current Affairs ang nasabing lalaki.

Ito ay dating make-up artist ni Angel noong artista pa ng GMA-7 ang aktres.

PHOTO: GMA News

I know your hidden agenda. I’m talking because I’m expert here. Ako ang number one dyan.

It will be exposed, ang mga kagag*han, katarantaduhan, at kasinungalingan at pagbabalat-kayo nyo. At tama nga naman dahil wala kang emosyon kung mamamatay mga tao doon dahil sa pagpapasikat mo. Inisip mo ba na baka si lolo, si lola, mamamatay kakapila dyan? Kasagsagan ng tanghali, kasagsagan ng init ng panahon. Kasagsagan pa ng C0VlD.

Binatikos din ni Mystica ang pag-iyak ni Angel sa ilang TV interviews.

Paiyak-iyak ka pa at sorry kunwari. P*ny*ta ka! Sana inisip mo yung tao. Wala kang utak. Wala ka nun. Akala ko pa naman may utak ka.

At ang pinakamatindi sa mga naging pahayag ni Mystica ay ang pagkukumpara niya kay Angel kay Satanas.

Ang Diyos kaya niya i-provide lahat pero si Satanas nagpapanggap na kaya niya gawin lahat, kaya niya tulungan lahat at isa ka na dun! Para kang si Satanas, nagbabalat-kayo!

The post Pinay OFW Sa UAE, Nanalo ng P4.5 Million Matapos Itaya Ang Kahuli-Hulihang Pera appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments