Isang delivery boy ang hinahangaan ng marami ngayon at pinag-uusapan sa social media dahil sa kanyang kakaibang gamit s pang-deliver dahil kung karaniwan natin na nakikita sa mga nagdedeliver ay nga naka motor o bike ang delivery boy na ito ay naiiba dahil tanging kanyang mga rollerblades lang gamit niya sa paghahanapbuhay.
Ang delivery boy na tinutukoy ay nakilalang si Ronie Conocido, 30 taong gulang at isang delivery boy mula sa Maynila.
Ayon naman sa inilabas na pahayag ng Facebook Page na ‘The Global Filipino Investors” si kuya Ronie ay isa ring barangay tanod sa kanilang barangay dahil hindi dapat ang kanyang kinikita sa pagiging tanod ay pinasok niya ang pagiging delivery boy.
Sa pamamagitan ng kanyang personal na Facebook account dito siya nakakahanp ng kanyang mga customer.
“Hirap na po kasi ako hindi po kasi sapat’ yung sahod namin kaya po na-isipan ko po dumiskarte, may rollerblades naman po ako at kaya ko naman tumakbo ng mabilis kaya po naisipan ko ito” – Pahayag ni Kuya Ronie
10-taong gulang palang daw ng matuto si Kuya Ronnie na mag ‘rollerblades’ ngunit kahit marunong na siya ng mga panahon na iyon ay wala daw siyang pambili nito at ang kanyang pamilya.
“Hirap na po kasi ako hindi po kasi sapat ‘yung sahod namin kaya po na-isipan ko po dumiskarte […] may [rollerblades]…
Posted by The Global Filipino Investors on Monday, April 5, 2021
Kaya naman ng siya daw ay nagkakaroon na ng pagkakataon mag-ipon ay nakabili siya ng isang pares ng rollerblades na segundamano ngunit bagong-bago pa naman .
Kaya naman para kay Kuya Ronnie, ngayon naman na may pagkakataon siya kumita sa ganitong pamamaraan ay gagawin niya para sa kanyang pamilya.
“Isa lang naman ang hiling ko sa buhay, yung maiahon ko sa kahirapan ang mag-iina ko” -Pahayag ni Kuya Ronie.
Talagang nakaka-inspire ang kwento na ito ni Kuya Ronie dahil sa kanyang pagiging maparaan para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Saludo kami sayo Kuya Ronie ipatuloy mi lang ang iyong nasimulan dahil iyan ay marangal at wala kang ibang taong inaapakan. Mabuhay ka po!
Source: Facebook
0 Comments