Looking For Anything Specific?

Lolo na nagsusumikap magtinda ng lugaw upang buhayin ang sarili, madalas walang bumibili

Ang pagpasok sa isang negosyo ay hindi biro pagkat kinakailangan mong maglabas ng pera upang kumita.

Samantala, may mga taong nagtatayo ng maliit na negosyo upang mairaos ang kanilang pamumuhay sa isang araw.

Kagaya na lamang ng ibinahagi ng isang concern netizen na si Max Udomsak ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng lugaw ngunit walang bumibili.

Ayon dito, ang 78 taong gulang na lalaki ay wala nang natitirang kamag- anak o kapamilya pagkat pumanaw na ang kaniyang misis at dalawang anak.

Dahil wala na siyang mahihingan ng tulong, kinakailangan niyang kumayod upang buhayin ang sarili.

Sa buong araw na pagtitinda ng lugaw mula alas tres ng umaga hanggang hating gabi sa halagang 34 pesos at 40 pesos naman kapag may itlog.

Ngunit sa kabila ng kaniyang pag- aantay at pagsisikap, hindi masyadong mabenta at kung minsan pa nga ay wala pang bumibili sa kaniya.

Dahil sa kakulangan ng perang panggastos ay napilitan siyang tumira sa isang abandonadong bahay na nasunog noon. Sa tuwing umuulan ay naglalagay na lamang siya ng tarapal o plastic upang hindi siya mabasa.

Sa katunayan madalang din siyang makapaligo pagkat nagagalit ang taga bantay ng bahay na kaniyang pinagpapaliguan na malapit sa kaniyang tinitirahan.

Nag viral ang post na ito at dumami ang nagnais na magbigay tulong.

Kaya para sa lahat nang makakabasa nito, matuto tayong maging masaya sa kung anong mayroon tayo dahil hindi lahat ng tao ay natatamasa ang ginhawa.

Post a Comment

0 Comments