Sa isang relasyon, hindi mawawala na nakakarinig na magaling mag-alaga at humawak ng isang relasyon ang babae kapag lumalaki ang katawan ng isang lalaki sa mga taong nakapaligid sa atin. Ngunit, paano naman kung ang nadadagdagan ng timbang ay ang babae?
Siguro nga ang young businessman at fiance ni Angel Locsin na si Neil Arce ay talagang maalaga at magaling humawak ng kanilang relasyon kung kaya’t marami ang nakapapansin na tumataba ang sikat na aktress, na kung saan siya ay laging nakasuot ng jacket sa kaniyang serye na tinatangkilik ng marami.
Saad ng nakatrabaho ni Neil Arce sa kaniyang produksyon,
“Napakasuwerte ni Angel dahil napakaresponsableng lalaki ang pakakasalan niya. Nakatrabaho na namin siya, kapag may sinabi siya, tinutupad niya.”
Sa kabilang banda, dinepensahan din nito si Neil Arce,
“Huwag na ang sobrang yaman ni Neil, nag-iisang tagapagmana kasi siya ng family nila, hindi ‘yun mauubusan! Kaya nga nu’ng napabalitang meron daw siyang malaking pagkakautang, e, tinawanan lang niya ang balita.”
“Kilalang-kilala niya kasi ang sarili niya, kilala rin namin siya, kalokohan ang kuwentong ‘yun!”
Ang mga tagasuporta at tagasubaybay ni Angel Locsin ay dapat hindi mabahala at mag-alala sa kaniyang magiging kinabukasan dahil siguradong kayang kaya ni Neil Arce ibigay ang lahat ng gusto ng aktres at ang pag-aalaga na talaga namang nararapat lamang sa kaniya.
Sa kabilang banda, maraming mga netizens ang nais na magkaroon ng masaya at masaganang pagsasama sina Neil Arce at Angel Locsin. Ang ilan naman sa kanila ay hangad lamang ang kasiyahan ng dalawa.
Angelica Panganiban, sinurpresa ang matalik na kaibigan na si Angel Locsin sa kaarawan nito sa likod ng sunod-sunod na problema ng aktres!
The post Angel Locsin, Magiging Buhay-Reyna Kapag Napangasawa Si Neil Arce, Ang Nag-Iisang Tagapagmana Ng Negosyo Nila appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments