Looking For Anything Specific?

Aktres na si Chynna Ortaleza, ibinahagi ang tunay na dahilan sa kanyang biglaang pagpayat na ikinabahala ng netizens

Nitong mga nakalipas na panahon ay marami ang nakapansin sa biglaang pagbaba ng timbang ng aktres na si Chynna Ortaleza.

At sa paglipas pa ng ilang araw ay patuloy pa din ang kaniyang pagpayat. Ngunit ayon kay Chynna ito ay hindi niya ginusto.

Naglabas ng saloobin ang aktres tungkol sa mga kinakaharap niyang health challenges sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya.

Idinaan ito ng misis ni Kean Cipriano sa kanyang Instagram account kalakip ang kanyang selfie photo kung saan makikita nga ang pagbagsak ng kanyang timbang.

Bukod sa kanyang iniindang gut problem, nakadagdag pa raw sa pagpayat ni Chynna ay ang kanyang mental health issues.

Nagsimula raw ang mental health problem ni Chynna noong pum’anaw ang ama niya noong 2019. Nagkasunud-sunod daw ang mga pangyayari sa buhay niya kaya ‘di raw siya masyadong nakapagluksa.

“A most honest selfie #2,” simulang sabi niya sa caption.

“I am 86 lbs as of today. But happy that my gut is recovering and that I am free of joint pains & headaches.

“The past 6 months have tested me. You know the saying, ‘Aim for progress & not perfection?’ Well.. I have to keep repeating this to myself so that I can celebrate my small wins,” pahayag pa ng aktres.

Nagpapagaling ngayon si Chynna pero marami raw pagkain ang bawal niyang kainin tulad ng cheese, dairy, eggs at ‘yung may gluten.

Sa ngayon ay unti-unti na siyang nakaka-recover at patuloy siyang nagdarasal na sana’y mapabilis na ang pagbalik ng kanyang ideal weight at sigla ng katawan.

“So yup, that caused a drastic drop in my weight but at least I gave my gut the much needed pampering. Giving it probiotics, learning to masticate properly & trying to hydrate properly.

John Regala, umalma sa mga nagpapakalat ng pekeng balita na pumanaw na siya at may panawagan na bigyan na ng trabaho

Nanawagan muli ang beteranong aktor na si John Regala sa mga TV Netwroks na mabigyan siya ng trabaho.

Hindi man diretsahan, inaamin na ni John na siya ay naghihikahos ngayon dahil sa kawalan ng trabaho

Matatandaan, nakaraang taon ay naging laman ng balitang showbiz si John Regala.

Dahil bigla na lamang siyang nawalan ng malay sa kalsada ng Pasay, isang netizen ang nakakita sa kanya ng mga panahon na iyon.

Tinulungan naman siya ng mga kaibigan niya sa showbiz na maipagamot sa ospital at maibigay ang kanyang pangangailangan.

Ilan sa mga showbiz personalities na tumulong kay John pagkatapos mag-viral ang kanyang photo na ipinost ng isang Grab driver ay ang kapwa aktor na sina Rez Cortez, Sen. Bong Revilla, Nadia Montenegro, dating pangulong Joseph Estrada, Vic Sotto, Raffy Tulfo, Aster Amoyo, at marami pang iba.

Ngunit kalaunan ay nakasamaan niya din ng loob ang mga ito dahil umano sa tigas ng kanyang ulo.

Inamin din naman niya na tinutulungan siya ng Iglesia ni Cristo, pero hindi nga siguro sapat iyon kaya nakikiusap siyang bigyan ng trabaho.

Isa namang mahusay na actor si John at malakas naman ang batak niya sa publiko. Katunayan niyan maraming hit movies na siya ang bida noong araw.

Pero ngayon nga ay iba na ang sitwasyon. Medyo matanda na siya at may mga sakit pa.

Samantala, hindi naman natigil ang balitang pumanaw na ang aktor. Kaya naman sa kanyang Facebook post ay umalma na si John ukol dito.

Aniya, “Lagi nyo na lang po akong pina’pa’ta’y sa balita, darating rin po sa akin un bigyan nyo muna ako ako ng trabaho para may pambili ako ng kabaong ko”

Nanawagan din si John para bigyan din siya ng trabaho sa showbiz.

The post Aktres na si Chynna Ortaleza, ibinahagi ang tunay na dahilan sa kanyang biglaang pagpayat na ikinabahala ng netizens appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments