Nanganak na nga si Zeinab Harake sa kanilang panganay na baby girl ni Skusta Clee.
Sa vlog na naka upload sa YouTube channel ng rapper, emosyonal niyang ibinahagi ang kanilang giving birth journey.
Base sa YouTube vlog, isinilang ng female vlogger ang kanyang anak noong April 28, 2021.
Makikita si video na naiyak sa sobrang saya ang first time parents.
Habang marami ang masaya at nadiriwang para kay Zeinab at Skusta, may mga netizens pa din na tila ba ay “bitter” pa din sa pagkakaayos ng dalawa.
Hindi maitatanggi na nagkaroon ng malaking issue ang dalawa laban sa isa’t-isa nitong mga nakalipas na taon. Nag viral pa nga ang Facebook live ni Zeinab kung saan na exposed niya ang kanyang nobyo.
Pero ilang beses din nagkabalikan ang dalawa at ngayon nga ay may pamilya na.
Sa kabilang banda, may mga netizens na naniniwala na magl0l0k0 daw ulit si Skusta at iiwan ang kanyang mag-ina.
Ilan sa mga negat!bing komento ay:
“Dapat hindi yan kamukha ng tatay. Finish na.”
“Zeinab ikaw ang kamukha niyan para maganda”
“Lagot 100% kamukha ng tatay. Sayang”
“Future single mother”
“Congrats Zeinab! Future single mom!”
“Kawawang bata, broken fam in the future”
Hindi ito ikinatuwa ng ilang supporters ni Zebby kasama na din ang mga concerned netizens.
Ayon sa kanila, dapat daw hindi na idinadamay pa ang bata sa naging issue ng mga magulang noon. Hindi din daw maganda na gustuhin na mag hiwalay ang dalawa in the future.
“Kung may problema kayo sa magulang, never idamay ang bata,” sabi pa ng isang netizen.
Madami din naman ang nag tanggol kay Skusta at sa kanyang mag-ina.
Ano ang masasabi mo dito?
Read also:
Zeinab Harake, Ipinasilip ang Mukha ng Napakacute na Baby Nila ni Skusta Clee
The post Bagong silang na sanggol nina Zeinab Harake at Skusta Clee, binatikos ng ilang netizens kahit wala pa itong muwang sa mundo. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments