Julia Barretto at Gerald Anderson, going strong through the years!
Tila ito ang ipinapakita ng real life celebrity couple na si Julia at Gerald.
Simula nang aminin ng aktor ang kanilang relationship status, naging mas bukas sa publiko ang dalawa.
Panay na nga ang upload ng photos at vlogs together ng happy couple.
Nitong nakaraan lamang, nag viral ang vlog ni Gerald kung saan kasama ang nobya na si Julia. Pinatikim ng iba’t-ibang klase ng streetfoods ni Gerald si Julia.
Ngayon naman, isinama ng aktor ang kanyang girlfriend sa kanilang first time Deep Sea Fishing na magkasama.
Sa isang vlog na naka upload sa YouTube channel ng former Pinoy Big Brother housemate, makikita ang kanilang naging bonding.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na may pagmamay-aring private resort si Gerald sa Zambales. Kaya naman hindi maiiwasan na magkaroon sila ng ganitong activity.
This time, nag rent ng private yacht ang aktor at sinamahan din sila ng mga tao na sanay na sa deep sea fishing.
Madaling araw pa lang ay pumalaot na sila Gerald kasama ang ibang kaibigan. Ipinakita niya din kung gaano kaganda ang sunrise kapag na sa gitna ng dagat.
Pag dating sa fishing ground, nakakuha sila ng dalawang malaking isda. Agad na nag saya sila Gerald at ang mga kasama at pabirong sinabi na may “ulam” na daw sila.
Habang si Julia naman ay natulog dahil sa “sea s!ckness.”
Madami pang magagawa ang JuRald kaya naman ang kanilang mga fans ay todo suporta.
Read also:
Gerald Anderson, naglabas ng sama ng ℓσσb sa mga taong walang tigil na panghuhusga sa kanyang pagkatao.
Naglabas ng kaniyang sama ng loob ang aktor na si Gerald Anderson.
Ito ay makatapos makatanggap ng samu’t saring panghuhusga mula sa publiko.
Sa panayam ni Gerald sa programa ni Toni Gonzaga na “I Feel U” isiniwalat ng aktor ang mga nilalaman ng kaniyang puso.
Ito aniya ang pinakatago tago niya sa mahabang panahon.
Inilahad niya ang kaniyang saloobin ukol sa maling pagtingin sa kaniya ng karamihan.
“Alam ko naman kung saan ako nagkamali. Ang dating para sa ibang tao na parang wala lang sa akin, or, kumbaga, nakikita lang naman ako pag may interviews. Pag may soap,” saad ni Gerald.
Dagdag pa niya, “Pero di naman nila ako nakikita kung paano ako sa bahay. Kung paano ko ina-absorb ang lahat ng ‘to.Na hindi ko sinasabi na parang ang dali lang sa akin, kung ano man ang pinagdaanan ko. Sa ating lahat, di ba.
“Alam ko kung saan ako nagkamali. Alam ko kung ano ang dapat ko matutunan. Sa akin na po iyon. Yung maraming tao, i think, parang gusto nila i-explain ko isa-isa. Hindi po ganun iyon e.”
Kahit na naapektuhan na daw ang kaniyang pribadong buhay, ay pinili ng aktor na maging propesyonal sa kanyang trabaho.
‘Yung pagiging celebrity ko, natamaan siya ng malaki dahil sa mga nangyari, dahil sa controversial issues. I can only give 100% para sa mga manonood nito dahil this is the only thing I can give right now. Dahil pagdating sa personal life, kahit anong gawin ko, kahit anong sabihin ko, sa mata ng marami, mali. But kaya ko naman lagyan ng line ‘yan. Pagdating sa trabaho, kapag galing sa akin or sa galing sa team na mga kasama ko, ibibigay ko ang best ko,” saad nito.
Sa ngayon ay ineenjoy na lang daw ni Gerald ang mga bagay na mayroon siya.
The post Gerald Anderson, masayang ibinahagi ang bonding nila ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa kanilang first time Deep Sea Fishing appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments