Looking For Anything Specific?

Batang nag-aararo na si Reymark, Dinagsa ng tulong at biyaya! Mapapaluha ka sa Saya.

Nakilala ng maraming ang batang lalaki na ito na si Reymark. Sa murang edad na 10, nagbabanat na ng buto ang maliit na bata sa Sultan Kudarat. Agad na nag viral ang mga larawan nito matapos makitang walang pagod na nag-aararo ng lupa sa dalawang ektarya na sakahan gamit ang kabayo upang matulungan ang kanyang pamilya sa pangaraw-araw na pangangailangan.

Napanood ang bata sa Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo, May 23, 2021.- Umani ng samut-saring reaksyon sa social media ang bata matapos itong mapanuod.

Photo: Facebook/ Yuzon, Jed Brent Baltazar

Marami ang napahanga sa pagiging determinado nito sa kabila ng kaniyang sitwasyon. Sa murang edad ay tila mulat na ito sa reyalidad. Ang kanyang katuwang sa pag-aararo– ang kanilang kabayong si Rabanos.

Nag-iwan ng mga nakakaantig ng puso na mga kataga ang bata na nagmulat sa mga mata ng mga tao na maging kontento at maging masipag lalo sa buhay;

Photo: Facebook/ Yuzon, Jed Brent Baltazar

“Wala na kaming chance yumaman sa mundo, Ma’am, dahil ang amin lang po ‘yung makakain kami sa isang araw,” nakakalungkot na saloobin ni Raymark.

Dahil sa magandang pag-iisip at kalooban ni Reymark ay nakatanggap ito ng maraming biyaya sa mga taong handang tumulong para sa kanilang salat sa buhay.

Photo: Facebook/ Yuzon, Jed Brent Baltazar

Nabiyayaan si Reymark ng mga tulong pampinansyal at mga pagkain para sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.

Ayon sa post ng isang concerned netizen na naghandog sakanila ng biyaya;

Photo: Facebook/ Yuzon, Jed Brent Baltazar

Nabigyan rin si Reymark ng panibagong kabayo sapagkat matatandaan na may edad na ang kanilang kabayo na si Rabanos at hirap na sa pagaararo ng lupa.

Photo: Facebook/ Yuzon, Jed Brent Baltazar

Laking tuwa at pasasalamat ni Reymark at ng kaniyang pamilya sa mga tumulong sa kanila. Bakas sa mga mukha nito ang saya at nagbigay pa lalo ito sakaniya ng pag-asa na magpatuloy sa laban ng buhay.

Maliit na Bata, Nag-aararo ng lupa para makabili ng pagkain at gamot ng Lolo at Lola niya

Sa murang edad na 10, nagbabanat na ng buto ang isang bata sa Sultan Kudarat. Agad na nag viral ang mga larawan nito matapos makitang walang pagod na nag-aararo ng lupa sa dalawang ektarya na sakahan gamit ang kabayo upang matulungan ang kanyang pamilya sa pangaraw-araw na pangangailangan.

Napanood ang bata sa Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo, May 23, 2021.

Ang kanyang katuwang sa pag-aararo– ang kanilang kabayong si Rabanos. Sa murang edad pa lamang ay mulat na sa kahirapan si Raymark. Dahil sa kagustohan na makaahon sa kahirapan ay nagpasya itong tumulong sa pamilya.

Photo: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)

Ayon sa batang si Raymark, Kasa-kasama niya ang kanyang Lola at Lola na sina Rudy at Nerissa, Dahil sa matatanda na ang mga ito at hirap na sa pagkilos ay tinutulungan niya ito upang makabili ng pagkain at gamot. Ang kanyang Lolo Rudy naman ay nag-aani ng mga pananim.

“Naaawa rin. Kasi batang-bata pa eh. ‘Yung mga ibang bata, laro lang ang kanilang iniisip,” ayon sa kanyang Lola at Lola.

Photo: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)

Kwento ng maliit na bata, ang naiipon niyang pera sa pag-aararo ay para sa pambili ng ulam at mga gamot. Kung wala naman umanong kita, okey na umano siya sa kanin at asin. Masarap din naman umano ito.

“Wala na kaming chance yumaman sa mundo, Ma’am, dahil ang amin lang po ‘yung makakain kami sa isang araw,” nakakalungkot na saloobin ni Raymark.

Photo: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)

Nakakalungkot din ang kwento ng buhay ni Raymark sapagkat apat na taong gulang pa lamang si Raymark nang iniwan siya ng kanyang ina at nag-asawa ulit, kaya pinalaki siya ng kanyang ama. Ngunit sa kasaamaang palad ay naaresto ito.

“Nagawa ko pong mag-araro dahil sa kanya. Hindi rin niya gusto pero anong gawin namin,” ayon kay Raymark

Photo: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)

“Miss ko na, dahil napapagod na po akong mag-araro dahil lang sa kanya. Kung nandito lang po siya, hindi na po ako mag-aararo. Pero sige lang, kakayanin ko para sa pamilya ko,” dagdag pa niya

Para sa mga nais tumulong kay Reymark, bukas po ang tanggapan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)

Batang Lalaki, Namumuhay Na Lamang Mag-isa Matapos Bαωιαη Ng Buhay Ang Kaniyang Mga Magulang At Lola

Alam naman natin na hindi lahat ng bata ay pinanganak na mayroong kaya sa buhay. Kaya marami na ding mga bata ang namulat kaagad sa realidad ng buhay kahit sa murang edad pa lamang.

Kinakailangan na nilang pasanin ang mabibigat na responsibilidad dala na din ng hirap ng buhay o pagkaulila. Ngunit, ilan lamang din sa kanila ang kinakaya ang ganitong uri ng pamumuhay.

Katulad na lamang ng batang ito na natuto ng bumangon at mamuhay ng mag-isa matapos mawala ang kaniyang mga inaasahang pamilya.

 

Ang bata ay nakilala bilang si Dang Van Khuyen, 10-anyos at nakatira sa bansang Vietnam. Nabuhay siya sa kahanga hangang pamamaraan.

Siya ay nakakakain sa pamamagitan ng pagnanatim ng gulay. Dahil dito, nagawa niyang makapag-aral at mabuhay. Si Dang ay maagang naulila s akaniyang ina habang ang kaniyang ama naman ay nagtatrabaho sa malayong lugar kaya madalang lamang ito kung umuwi sa kanila. Kaya naman siya ay naiwan sa pangangalaga ng kaniyang lola.

Simple at payak na pamumuhay ang nakagisnan ni Dang sa piling ng kaniyang lola. Minsan naman ay nagpapadala ng pera ang kaniyang ama para sa kanilang pangangailangan.

Ngunit, nakakalungkot lamang dahil pum4naw na ang kaniyang lola na siyang nag aruga at nag alaga sa kaniya. Ang mas nakakalungkot pa dito ay b1nawian na din ng buhay ang kaniyang ama dahil sa isang aksidente.

Dahil sa pangyayari, tanging sarili na lamang ang natira kay Dang ngunit hindi pa din ito naging hadlang para siya ay sumuko. Hindi niya pinabayaan ang kaniyang pag-aaral at mag-isang tinaguyod ang kaniyang sarili.

Nang malaman ng pinapasukang eskwelahan ni Dang ang kaniyang sitwasyon, kaagad silang sumaklolo dito mula sa paglikom ng pera upang matulungan si Dang na maiuwi ang labi ng kaniyang ama at ito ay mailibing malapit sa kanila.

Sinubukan na ding dalhin si Dang sa bahay ampunan dahail alam nilang mas magiging mabuti ang lagay nito doon, ngunit tinanggihan ito ni Dang at sinabi na mas gusto niya ang mamuhay ng mag-isa sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay at pagpapa-aral sa sarili.

Marami naman sa ating mga netizens ang pumuri kay Dang dahil sa kaniyang kahanga-hangang determinasyon.

The post Batang nag-aararo na si Reymark, Dinagsa ng tulong at biyaya! Mapapaluha ka sa Saya. appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments