Looking For Anything Specific?

Batang ina, nagawang ibenta ang sariling anak na kambal para lamang makabili ng kanyang pinapangarap na Cellphone

Walang ibang hiling ang isang mag-asawa kundi ang sila ay mabibiyaan ng sariling anak.

Ang iba na mag-asawa naman na nahihirapan magka-anak ay kung anu-anong dasal ang ginagawa at kung sinu-sinong santo ang tinatawag para lamang magkaroon ng anak.

Samantala, Ang luho ay isang materyal na bagal lamang dito sa mundong ibabaw na hindi napat unang pinaprayoridad lalo na kapag ikaw ay isa ng magulang.

Ang mga Luho ay madali lamang itong makuha at kayang-kaya mo ito pagtrabahuhan at pag-ipunan.

Ngunit ang unahin ang luho kaysa sa pangangailan ng pamlya o anak ay hindi tama at hindi kanais-nais na desisyon.

Katulad na lamang ng isang Ina na mula sa bansang China na ibinenta ang sariling kambal na anak upang ipambili lamang ng gadget na branded na cellphone.

Ang Ina na tinutukoy ay nakilala lamang sa kaniyang apelyido na ‘MA’ na naninirahan sa Cixi City, Zheijang Province, China.

Maagang nabuntis si ‘Ma’ nasa 20 taong gulang lamang siya ng ipagbuntis ang kambal niyang anak at sa kanyang edad na yon ay may nararamdaman siyang galit laban sa kaniyang mga magulang dahil umano sa pagiging iresponsable ng mga ito pagdating sa kaniya.

Ayon sa naging balita, Naisipan daw ni ‘Ma’ na ibenta ang kanyang mismong anak na kambal sa magkaibang presyo, ang isang anak niya ang may presyon 20,000 yuan o halos P141,000 at ang isa naman ay 45,000 yuan o P320,000.

Sinabi ng Batang Ina na nagawa niyang ibenta ang kanyang kambal dahil kailangan daw niya mabayaran ang kanyang utang na credit card.

Ngunit, Ang napagbentahan daw ng kanyang kambal na anak ay sobra kaya naman ang ibang pera na natira ay ipinambili niya ng bago at branded na cellphone.

Lumitaw naman ang sinasabing ama ng Kambal na nakilala sa pangalangang ‘Wu’, Ang nakakalungkot pa ay lumitaw ang nasabing Tatay ng kambal hindi para awayin ang Babae sa ginawang pagbenta sa kanyang mga anak kundi para humingi ng parte sa perang napagbentahan ng kanilang mga anak dahil baon rin daw ito sa utang dahil naman sa sugal.

Sinabi naman ng Lalaki na iyon din daw ang dahilan kung bakit hindi niya magawang masustentuhan ang kaniyang mag-iina dahil sa labis na pagkabaon sa utang dahil sa sugal.

Dahil naman sa kanilang ginawang pagbebenta ng kanilang mga anak ay pinag hahanap sila ngayon ng awtoridad, ang dalawa ay kakasuhan at ikukulong para hindi raw pamarisan ng iba.

Hindi naman nagtagal ay natagpuan ng mga awtoridad ang bumili sa kambal, Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng magulang ni ‘Ma’ ang kambal.

Sinasabi rin rito na hindi na ibalik sa mga bumili ang perang ibinayad nila sa kambal dahil nagastos na ito ng mag-asawang Wu Nan at Ma.

Post a Comment

0 Comments