Looking For Anything Specific?

Biniyayaan ang isang dalagang inakala niyang walang-wala na siya, ito ang “Ten-Peso Coin Story” na siguradong kakapulutan ng aral

Ang buhay ng tao ay maituturing na isang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito may kasa-kasama tayo upang hindi tayo laging mawalan ng pag-asa at ito ang paglalakbay na kasama natin ang Diyos. Ngunit, hindi sa lahat ng oras nagiging banayad ang ating pakikipagsapalaran. Maaaring maraming beses tayong madapa, maligaw, mahirapan at masaktan. Basta’t ang mahalaga hindi tayo bumibitiw at lumalayo sa pag-asa. Dito malalaman natin ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng buhay. Kung bakit sa bawat pagsubok ay kinakailangan itong paglabanan.

Katulad na lamang ng isang kwento na inakda ni Joan Soliman, na ibinahagi sa social media ni Mia Ria na umantig sa maraming netizens at nagbigay inspirasyon. Ibinahagi dito na kung mayroon kang pananalig at tiwala sa maykapal, anumang pagsubok ay tiyak mong malalagpasan. Ito ang kwento ng pagkakataon na nakakaranas tayo na walang-wala na sa buhay, ngunit may biglang dumarating sa buhay natin na nag-uumapaw pa ang balik sa mga kabutihang ating ginagawa. Lalo na at busilak ang iyong puso handang magbigay sa kahit na sinong nangangailangan sa anumang kondisyon, siguradong ito ay may magandang kapalit.

Basahin ang kwentong ito, tiyak na magpapaantig sa inyong mga puso at sana ay makapagbigay ng inspirasyon sa bawat isa. Tunghayan natin kung paano siya gumawa ng kabutihan at kumapit sa pag-asang magdadala sa kanya ng isang magandang biyaya.

Source: Facebook

Ang kwentong ito ay pinamagatang “Ten-Peso Coin Story”.

“Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na umattend kami ng nanay ko sa church tapos ang laman ng bulsa ko 10 pesos, tapos si mama walang wala din talaga as in 0.

Umattend kami ng nanay ko ng Sunday service na hindi nag-almusal at kumakalam ang sikmura, kaya hindi ko mabili ng almusal dahil may fear ako na pag naubos yung 10 pesos di kami makapagtanghalian at hapunan. Plano ko kasi ibili ng itlog ng tanghali saka itlog ulit sa gabi tapos paghahatian namin ni mama. Yung mga susunod na araw, hindi ko na alam kung paano kami.

Habang nasa church, pumwesto yung nanay ko sa may bandang likod kung saan magkakasama yung mga kananayan. Tapos ako sa may bandang unahan, as usual kasi part ako ng music team and sa unahan din ang youth group.

Di ko makakalimutan, na kapag naaalala ko yung kabutihan ni Lord sa buhay ko, tumutulo pa rin luha ko hanggang ngayon.

Yung scenario is, tumugtog na yung pang TITHES AND OFFERING na music. Sa church kasi namin dati yung box nasa unahan ng altar, so talagang pupunta ka dun para maghulog ng tithes and offering mo kay Lord. Hindi ako pumapalya kahit baon ko sa school nag huhulog ako doon, pero ito iba dahil 10 peso coin na lang yung meron ako.

Habang naglalapitan yung mga tao, lumingon ako sa likod at tinignan ko yung nanay ko, napa tingin sya saken tapos ngumiti. Ang ginawa ko, nag decision ako na ilagay yung huling pera namin sa tithes and offering. Pumunta ko sa harap, yung saradong sarado yung palad ko kasi at some point nahihiya ako kay Lord na 10 pesos lang yung nakayanan ko. As in saradong sarado yung palad ko.

Natapos yung service ng church. Inalok kami nila Pastor Dario (Hope Church Pastor in Taytay Rizal) na doon na kami mananghalian. Ang matindi may pa sopas pa right after ng service so naihabol namin ng nanay ko yung gutom nung pang almusal at nakapag lunch pa.

Source: Google

Ang matindi, pag uwi namin ni Mama, nag aantay yung bestfriend nya na galing abroad at kakauwi lang ng Pinas. May dalang mga pasalubong, mga de lata, chocolates at kung ano ano pa. Yung pinaka malupit nagbigay sa nanay ko ng limang libo (5000 pesos) as a gift daw at ibili ng gusto.

Pumunta ko sa kwarto ng di alam ng nanay ko at doon ako umiyak ng sobra sobra. Dahil alam ko na ginamit ni Lord yung kaibigan ng nanay ko para mag provide sa amin ng panahong 0 na talaga.
Dun ko napatunayan na may MIRACLE.

I share this story of my life to inspire people na, ngayong pandemic na kinakaharap natin, ngayon tayo mas kailangan maging matatag sa FAITH natin kay Lord. We have a BIG GOD. Kaya kailangan BIG FAITH ang meron tayo sa Kanya.

Mula ng mangyari sa buhay ko ito, hindi na ako natakot maka experience ng challenges. Every challenges na kinakaharap ko, lagi ko tinatanim sa isip ko na may PURPOSE/REASON ang LAHAT. At kung ano man yon, si Lord lang nakaka alam. Kaya mula noon hanggang ngayon pinahalagahan ko yung blessing na binibigay Nya sa akin and I make sure to PAY IT FORWARD.

Truly FAITH SHOULD BE BIGGER THAN OUR FEAR.
ALL PRAISE AND GLORY TO GOD ALONE! Amen.”
Sa kwentong ito, matatagpuan natin ang isang pag-asang kailanman ay hindi nagtatago sa likod ng mga ulap. Pinatutunayan lamang nito na ang ating pananalig ay hindi tayo pinababayaan. Lahat ng pagsubok sa buhay ay may dahilan at dito sinusukat kung hanggang saan tayo kakapit sa ating pananampalataya. Kaya matuto tayong magpahalaga sa bawat biyayang dumarating sa ating buhay. Sana’y nabigyan kayo ng inspirasyon sa kwentong ito, ano po ang inyong masasabi dito?

Kilalanin ang mga pulubing ito na ιnααℓιρυѕtα ng mga tao, ngunit isa pala sa pinaka mayayaman sa mundo!

They say when you become a beggar, there is no way out unless a helping hand comes in, gives you endless support until you get back on your feet.

But unlike other people, some beggar manage to turn their misfortune into a much more greater opportunity.

Let us take a look and these people and how they became the “richest beggar of the world.”

1. Bharat Jain
“He is a 49-year old man who started begging our of the Parel region of Mumbai. He started begging for setting up the career of his children and you can’t even imagine how much money he owes now. He is the single owner of the two apartments worth 70 lakhs. He has a juice centre as well from where he is earning about Rs. 10,000 as monthly rent. Can you imagine, he is actually earning about .75000 every month only through begging.” buzzhawker wrote

2. Krishna Kumar Gite
“He is another young beggar whose favourite begging spot is CP Tank near the Charni Road in Mumbai. How much can he earn only from begging? Can you guess? He is earning about Rs. 1,500 a day and now owns a flat at Nallasopara.”

3. Sambhaji Kale
“He begs in the Khar region of Mumbai where he lives with other members of his family. You can’t even imagine that he is actually earning thousands of rupees in a day and has his own flat in Virar with two other houses and land in Solapur.”

4. Sarvatia Devi
“She is a beggar from India who lives in an apartment near the Ashok Cinemas in Patna. She is a lady who pays about Rs. 36,000 as her annual insurance premium.”

5. Ted Williams
“He is a US-based beggar named as Ted Williams. He was actually very poor but starts begging for his livings on the roads of Ohio. He had a keen interest in singing and one of the reports noticed his skills and uploaded his video to YouTube and he became famous and now has a huge worth of money.”

6. Rongfeng
“He was extremely poor at the initial stages of his life as he had to sleep on the roads of China’s Zhejiang as well. He met a lady in a noodle shop who helped him a lot by providing him food and some money by which he started his own business and repaid the whole amount to that lady.”

7. Simon Wright
“He is another beggar from ASBO where he was banned from begging but he continued the same so as to improve his livings and now he is one of the richest beggars.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Read also:

Inaaℓιρυѕtα siyα ng mgα emρℓєуadσ, hindi nila alam na siya pala ang may ari ng building

Dapat nga bang husgahan ang isang tao base sa kaniyang panlabas na anyo? Isang araw ay abala ang lahat ng empleyado sa isang kilalang hotel sapagkat maraming panauhin ang nagsisidatingan. Ilan sa mga ito ay mayayaman at kilala sa buong bansa. Isa na rito ay si Mrs. Jhemerlyn Roblez na kasalukuyang nakapila. Si Mrs. Roblez ay isang tanyag na manunulat.

Halos lahat ng tao sa bansa ay hinahangaan ang kaniyang mga sulat at likha kaya naman ay madalas na naituturing siyang “VIP” sa kaniyang mga pinupuntahang lugar. Nahinto ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa nang pumasok ang isang matandang lalaking nakasuot ng simpleng pananamit.

Sa unang tingin ay aakalain mong ito ay isang pulubi sapagkat nakasuot lamang ito ng isang puting damit, simpleng shorts, at tanging tsinelas lamang ang sapin nito sa paa. Hindi mapigilang mapalingon ng mga mayayamang panauhin at tumingin nang masama rito.

Halata sa kanilang mukha ang pagka-inis sa matanda. Hindi sila pinansin ng matanda at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad. Dali-dali siyang nilapitan ng mga empleyado upang asikasuhin. Nang makita iyon ni Mrs. Roblez ay kaagad itong nainis. “Ako ang nauna sa pila kaya ako dapat ang unahin ninyo!” sigaw nito. Nabaling ang atensyon ng mga tao sa kaniya at maski ang matanda’y tinapunan din siya ng tingin.

“Kanina pa ako naghihintay rito ngunit ang pulubing iyan ay kararating lamang. Dapat ako ang inuuna ninyo sapagkat ako ang may pambayad sa lugar na ito. Ang mga pulubing kagaya niya ay nararapat na mapunta sa pinaka dulo ng pila. O mas maganda ay hindi na pinapapasok pa sa mamahaling hotel kagaya nito!” inis nitong sumbat. Dinuro-duro niya ang matanda habang patuloy pa rin sa pag-sigaw.

Sinubukan siyang pigilan ng ilang empleyado ngunit ayaw talaga nitong huminto. Hindi nagtagal ay lumapit sa kanila ang manager ng hotel. “Kumalma ka, Mrs. Roblez. Ang ‘matandang pulubi’ na kausap mo ay ang may-ari ng resort. Siya ay si Mr. Salvadore.” saad nito.

Napahiya si Mrs. Roblez sa harap ng maraming tao. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkabigla. Hindi makapaniwala na ang lalaking inakala niyang pulubi ay ang may-ari pala ng hotel. Nang mapagtanto niya ang kamaliang kaniyang nagawa ay paulit-ulit siyang humingi ng tawad dito.

“Pasensiya na ho. Hindi ko talaga alam na ikaw ang may-ari ng hotel na ito. Handa akong magbayad para sa kasalanang nagawa ko.” “Ayos lang iyon, Hija. Sa susunod ay huwag kang manghuhusga ng tao base sa kanilang panlabas na anyo.

Huwag din mababa ang pagtrato mo sa iba dahil lamang mas nakakaangat ka sa buhay.” Sa huli ay nahiya at nagsisi si Mrs. Roblez. Napagtanto niya na hindi dapat hinusgahan ang isang tao base sa panlabas na anyo nito. Kahit kailan ay hindi naging maganda ang panghuhusga ng kapwa. Ugaliin nating kilalanin muna ang mga ito bago sila husgahan.

The post Biniyayaan ang isang dalagang inakala niyang walang-wala na siya, ito ang “Ten-Peso Coin Story” na siguradong kakapulutan ng aral appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments