Pinalakpakan ng madla ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe na si Rabiya Mateo, matapos nitong magpakitang gilas sa katatapos lamang na 69th Miss Universe National Costume contest, suot ang isang feathery Vegas-like ensemble na hango sa disenyo ng watawat ng bansa.
Halaw sa watawat ng Pilipinas ang kasuotang ito ni Rabiya Mateo; mayroong pak-pak na kulay bughaw ang kanan at pula naman ang kaliwa, na mayroong tig-isang dilaw at kumikinang na bituin sa magkabilang bahagi. Gayundin sa pak-pak ang kulay ng kaniyang damit at sapatos. Sa gitna naman, sa dibdib, ay mayroon ding isang bituin.


Samantala, bawat kulay at disenyo nito ay mayroong sinasagisag, katulad nang sa watawat.
Ang kulay bughaw na kulay ay simbolo ng kabunyian; pula para sa tapang at lakas ng isang independienteng babae at inilalarawan naman ng dilaw, na kulay ng araw at bituin, ang kalayaan sa pagpili kung sino at ano ang gusto mong maging.
“You’ll get far just to be who you are like Philippines,”ani ng host matapos ilarawan ang disenyo ng costume.

Ayon naman sa mga ulat, ibinahagi ng puno ng Miss Universe-Philippines Design Council na si Albert Andrada na ang national costume na ito ni Rabiya ay halaw sa logo ng Miss Universe-Philippines Pageant.
Ang national costume na ito ay dinisenyo at ginawa ng late Filipino International designer na si Rocky Gathercole, na tinapos naman ng Bulacan-based costume at jelwery designer na si Manny Halasan, sa pagsasamang sikap nila ni Rocky Gathercole, na sa kasawiang-palad ay pumanaw na noon lamang ika-3 ng Marso dahil sa posibleng atake sa puso.

Isa ang Filipino designer na si Rocky sa likod ng mga naggagandahang kasuotan ng mga Hollywood stars na sina Britney Spears, Jennifer Lopez, Tyra Banks, Paris Hilton at Nicky Minaj, kasama pa ang iba.

Samantala, ang orihinal na disenyo ng costume na ito ay mayroong headpiece ngunit hindi ito nasuot ni Rabiya dahil sa mga kinukonsiderang kadahilanan. Pinaliwang ni Miss Universe Philippines Director Shamcey Supsup, na ang dahilan sa likod nito ay dahil laging nahuhulog ang headpiece na ito kapag sinusot ni Rabiya.
“I’m pretty sure alam niyo naman na I brought the headpiece for Rabiya but unfortunately it was… she couldn’t (wear it). Nahuhulog,”paliwanag nito sa isang panayam sa ABS-CBN news.
“It was hard for her to wear it, so we decided na kung saan siya mas komportable,” dagdag nito. “Mabigat na rin kasi ‘yung wings niya in the first place.”
Lumipad din ang Miss Universe 2011 runner-up at Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup sa Estados Unidos upang suportahan si Rabiya sa pagsungkit sa korona.

Ayon naman sa mga balita, ang Furne One ng Amato Couture ang magdi-disenyo ng evening gowns ni Rabiya para sa preliminary at final shows.
“Yes, for the gowns, they’re all custom-made, meaning all hand made. So we spent around 10,000 hours for four gowns. It’s different, Albert and Jonas contacted me to do this even though I’m more on avant garde designs than pageant designs, ‘coz they want me to do a different take on pageantry,” siwalat nang Dubai-based Filipino designer sa isang online interview.
Nagpahayag naman ang mga dating pambato ng Miss Universe katulad na lamang nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2018 Catriona Gray at iba pa ng kanilang suporta kay Rabiya. Pinagtanggol din ng mga ito si Rabiya sa mga kritisismong natatanggap sa internet.
Rabiya Mateo, Nagkaroon ng Wardrobe Malfunction sa National Costume ng Miss Universe Pageant
The post Bonggang Gown Ni Rabiya Mateo Sa Miss Universe National Costume Contest, Niyanig Ang Lahat appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

















0 Comments