Isa ang rice cooker sa ginagamit ng karamihan sa atin ngayon, dahil bukod sa hindi na kailangan bantayan pa ang ating sinasaing, mabilis din nitong naluluto ang ating kanin.
Ngunit, ibinahagi naman ng isang netizen ang kaniyang karanasan sa ginagamit na rice cooker. Kwento nya, nagtataka umano siya dahil palaging amoy prito ang kanilang kanin tuwing ito ay sinasaing nila sa kanilang rice cooker.
Hindi din umano naalis ang amoy nito kahit pa man ilang beses na nilang nilinis at hinugasan ang loob ng rice cooker. Ngunit, kahit ganoon, hindi naman nito naapektuhan ang lasa ng kanilang kanin.
Sa post na ibinahagi ni BigD Reyes, kinwento niya na dahil matagal na din silang nagtataka at nais na nilang malaman ang sanhi kung bakit ganoon ang amoy ng kanilang kanin, kaya naman minabuti na nilang buksan ang ibabang bahagi ng rice cooker upang ito ay tignan at suriin kung mayroon naba itong problema.
At doon nga ay napag-alaman nila na ang sanhi ng tila pritong amoy ng kanilang kanina, ay dahil pala sa mga butiki na nasa ilalim ng kanilang rice cooker.
Sa larawan na ibinahagi ng netizen, makikita din na tila na prito na ang mga butiki dahil ang mga katawan nito ay sunog sunog na. Biro naman ni Reyes sa kaniyang post, kinain na lamang nila ang mga butiking natuklasan sa kanilang rice cooker dahil solid lang naman umano ang mga ito.
Samantala, hindi pa naman nalalaman nila Reyes kung paano nga talaga nakapasok ang mga butiki sa loob ng ilalim na bahagi ng kanilang rice cooker.
Marami naman sa ating mga netizens ang natawa at aliw na aliw sa naging karanasan na ito nila Reyes sa kanilang rice cooker. Ang post niya din na ito ay kaagad na kumalat sa socmed. Ngunit, hanggang ngayon ay nanatili pa ding misteryo para sa marami ang pagkakaroon ng butiki sa loob ng rice cooker nila Reyes.
Batang babae, nαkαℓιgtαs sa kαραhαmαkαn dahil nagbrσωnσυt, saktσng ιѕιηαкѕαк sa єχтєηѕισn ang “tιуαni”
The post Dahil Palaging Amoy Prito Kapag Nagsasaing, Binuksan Nila Ang Rice Cooker At Nagulantang Sila Sa Nakita appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed












0 Comments