Kadalasan, isa sa mga punot dulo kung bakit naghihiwalay ang mga magkasintahan ay ang pagkakaroon ng kalaguyo, kalandian or third party ng isa sa kanila habang nasa relasyon. Marami ang nasisirang relasyon dahil sa pagkakaroon ng ibang babae o lalake na kung saan ang pagpasok sa relasyon ng iba ay kailan ma’y hindi magiging tama.
Ang pagkakaroon ng ibang karelasyon o kalaguyo ay karaniwang nangyayari sa mga lalaki. na kung saan tila ba sa kanilang palagay ay mas nakakaangat o lumalakas ang dating sa ibang babae, isama pa ang pagkakaroon nila ng motorsiklo.

Dahil sa mga insidenteng marami ang pumapasok sa relasyon ng iba, naisip ng isang lalake na palagyan ng pako ang likuran ng kanyang motorsiklo upang hindi magkaproblema sa kanyang nobyang selosa at hindi na ito mag-isip na may kalaguyo siyang iba.
Subalit, dahil sa pagkakaroon ng mga pako sa likuran ng motorsiklo ng kanyang nobyo, ang babae ay nahirapang humanap ng komportableng upuan dahil hindi naman siya makakaupo sa likuran.
Ang larawan ng magnobyo ay nag-viral at umani ng katatawanan sa mga netizens. Ang mag nobyo ay nagnangalang Khoirul Anam (lalaki) at Intan Shinta (babae) na nakatira sa Magelang, Indonesia.

Sa relasyon, hindi lamang basta mahal mo at masaya ka sa iyong kasintahan, dapat alam mo kung paano siya pagkatiwalaan at tanggapin ng buo. Tiwala sa isa’t-isa ang pundasyon ng isang relasyon. Ang pagkakaroon ng tiwala ang pinakamagandang katangian sa isang relasyon. Kapag wala ito ay wala rin ang matibay na pundasyon sa pagmamahalan.
Ang pagkawala ng tiwala sa iyong nobyo/nobya ay maaaring magbunga upang kwestyunin ang galaw ng bawat isa, dito papasok ang paghihinala, na maaaring mag-ungat sa mas malalang problema na makakasakit sa damdamin ng iyong partner


Isa pa rito ay dapat isaalang-alang ng magkarelasyon ang mga bagay na makakaganda upang mag-usbong at umunlad ang isa’-isa. Hindi lamang para sa ikabubuti ng sarili kundi sa ikabubuti niyong dalawa.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
Babaeng sumasailalim sa 20 lip filler injections para magkaroon “perfect lips”
Pagdating sa kagandahan, lahat ng tao ay may magkakaibang pamantayan at kahulugan kung ano talaga ito. Maaaring pahalagahan ng isa ang mga likas na katangian ng isang tao habang ang isa pa ay mukhang naghahanap ng iba pa at sa gayon ay nagtatapos na kinakailangang sumailalim sa mga pagpapahusay sa pag-opera.
Siyempre, hindi natin sila mahatulan ngunit may iilan na kahit papaano ay gumawa ng labis na paggalaw upang maabot ang kanilang mga pamantayan na matawag na “maganda.”
Tulad ng batang babae na ito na nagpasyang sumailalim sa lip filler ay nag-iiniksyon hindi lamang isang beses ngunit dalawampung beses!
Si Andrea Ivanova, isang 20-taong-gulang na ginang na mula sa Bulgaria ay hindi na mabibilang sa pamamagitan lamang ng kanyang mga daliri kung gaano karaming beses siyang sumailalim sa mga operasyon sa pagpuno ng labi upang makamit lamang na matawag siyang babaeng may pinakamalaking labi sa buong mundo! Upang maging eksakto, ang hyaluronic acid ay na-injected sa kanyang mga labi dalawampung beses na.
Ayon sa NZHerald.co, si Andrea ay nagsimulang sumailalim sa mga operasyon noong 2018 at gumastos siya ng isang malaking halaga ng pera mula noon.
Ang bawat paggamot sa pagpuno ng labi ay nagkakahalaga ng hanggang £ 134 ($ 145) at pagkatapos ng lahat ng mga taon, tinatayang gumastos si Andrea ng higit sa £ 2,600 ($ 2,800).
“Mahal ko ang labi ko. Hindi ako sigurado kung ang mga ito ang pinakamalaking labi sa mundo ngunit ang mga ito ay isa sa pinakamalaki, sa palagay ko, ”sabi ni Andrea sa isang panayam.
Matapos ang lahat ng mga pamamaraan, dumaan siya, may mga doktor na binalaan si Andrea ng mga posibleng panganib ng patuloy na pag-iniksyon na mga tagapuno sa kanyang mga labi. Ngunit, sa kabila nito, matatag ang paninindigan niya sa kanyang paniniwala na hindi niya balak na huminto hanggang sa maabot niya ang labi ng kanyang mga pangarap.
Babae, Laki Ang Pagsisisi Nang Kulayan Mag-Isa Ang Kanyang Ang Buhok

Isang babae ang nagbahagi ng kuwento ng kanyang isang kaibigan kung saan ito ay labis niyang ikinabigla at hindi akalain na ito ay mangyayari sa kanya.
Ang user na ito ay nag upload ng ibat ibang litrato ng kanyang kaibigan, matapos itong gumamit ng pakulay sa kanyang buhok.
Matapos gamitin ang nasabing hair dye hindi akalain ng kanyang kaibigan na ito pala ay may chemical kung saan naging sanhi ng kanyang Allergic Transformation sa mukha.
Ang pagpapaganda sana sa kanyang buhok ay naging isang masamang panaginip, matapos itong gamitin.
Ang mga litrato na makikita ay hindi angkop sa mga may balak na mag pakulay ng buhok sa kanilang bahay. Mas mabuti ng ugaliin na mag konsulta sa mga experto, at sa may mga maraming alam pagdating sa ganitong gawain.
Normal lang na may gamiting test sa mga salon kung ito ba ay meron kang allergy o wala. Isa pang rason na bago kulayan ang buhok maaari ba na ito ay angkop sa inyo o hindi.
Makikita sa litrato na hindi gumamit ng ano mang test bago gamitin ang hair dye ang kanyang kaibigan. Sanay na sa paggamit ng pakulay sa buhok ang babae kaya naman inisip niya na pare pareho lang naman nga resulta ang mga hair dye.
Ano nga ba ang naging rason kung bakit naging ganyan ang kanyang mukha? Parang sya ay nanggaling sa ibang planeta matapos makita ang resulta.
Napag alaman na ang salarin ng kanyang allergy ay ang tinatawag na “Paraphenylenediamine” (PPD), isang chemical kung saan ito ang nagsisilbing pagtagal ng kulay sa buhok.
Pinaliwanag ng DermNet NZ kung bakit ito nangyari.
“Sa paggamit ng PPD, ang buhok ay maaring gamitan ng shampoo kung saan mananatili ang kulay nito.
Ngunit sa ganitong kaso, ang paggamit ng Hair Dye ay maaring magkaroon ng dermatitis sa upper eyelids or sa ibabaw ng tenga. Sa kasong ito, ito ay magiging sanhi ng paglaki sa anit o sa mukha ng isang tao. Ito rin ay maging rason kung saan nagiging sirado ang eyelids.Ang dermatitis reaction na ito ay maaring lumaki ng lumaki.”
The post Dahil Sa Sobrang Selos, GF, Pinalagyan ng Ganito Ang Likod Upuan Ng Motorsiklo ng BF! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed








0 Comments