Nagulat ang Bulacan-based designer and jewelry maker na si Manny Halasan sa kulang na headpiece na dapat ay kasama sa national costume ni Rabiya Mateo nito lamang nakaraang Miss Universe 2020 National Costume competition, Biyernes, ika-14 ng Mayo na ginanap sa Florida, USA.
Ayon sa mga ulat, si Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup-Lee ang nagdala ng “missing headpiece” sa Hollywood , Florida noong ika-9 ng Mayo.
Ang fashion designer at jewelry maker na si Manny Halasan ang gumawa ng set of jewelries na gagamitin at aayon sana sa kasuotan ni Rabiya na hango sa watawat ng Pilipinas, na isa namang obra maestro ng namayapa nang fashion designer na si Rocky Gathercole.

Ngunit, nagulat na lamang si Manny noong hindi niya nasilayan ang headpiece na kaniyang likha sa sinuot na national costume ni Rabiya sa nasabing kompetsiyon.
“Nung live kanina, nagulat ako nang makita ko sa monitor. Shocked ako at ang family ko,” saad nito.

“Walang update since it flew to the US. Wala na akong idea and ang daming interviews asking for the ‘missing piece’ since it was announced na ako ang gagawa at may gagawin ako for the National Costume competition,” kuwento nito sa isang panayam ng Cabinet Files.
Naisapubliko na si Manny ang opisyal na gumawa ng mga accessories na gagamitin ni Rabiya sa National Costume competition ng 69th Miss Universe, kung kaya naman marami ang nagtaka noong hindi rin nila ito nakitang suot ng pambato ng bansa.
Samantala, dahil dito nagbigay ng suporta at pakikisimpatya sa kaniya ang mga tao na kaniya namang pinasalamatan. Nagbigay din ng mensahe si Manny ukol dito.


“Sending love to all. Let us all send her our support and love. Hindi madali ang responsibilities na nasa shoulder niya.”
Paninigurado niya naman sa madla: “I’m okay naman po. Hindi pa po time. There is a perfect time… in His Time.”
Samantala, ibinahagi naman ni Manny ang litrato ng kaniyang likhang headpiece para kay Rabiya sa kaniyang socmed page.


“Looking at the National Costume for Miss Universe 2020, I hope to share the vision with everyone. It’s patriotic, historic, triumphant….. victorious,”paglalarawan nito.

Marami rin ang kanyang pinasalamatan kalakip ng post na ito. Sinabi pa nito na darating din ang panahon na itinakda ng Diyos para sa kaniya at kaniyang mga gawa. Wala raw imposimble kung naniniwala ang tao sa kaniyang talento, nagpupunyagi sa kaniyang trabaho at nagdadasal para sa gabay ng Diyos.
Queen to Queen! Rabiya Mateo, nakatanggap ng pagmamahal at pagsuporta kina Pia at Catriona sa likod ng pagkalaglag sa Top 10 ng Miss Universe

A queen will always be a queen!
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray ramdam ang suporta kay Rabiya Mateo hanggang dulo.

Ngayong araw, May 17, 2021 (May 16 sa Florida) ginanap na ang most awaited national pageant na Miss Universe 2020.
Matapos ang pag buhos ni Rabiya ng kanyang makakaya para masungkit ang korona, nagtapos siya sa Top 21.

Naging maingay ang Miss Universe 2020 dahil ang mga Pinoy fans ay todo suporta kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Pero sa Top 21 lamang natapos ang journey na ito ni Rabiya. Marami ang nakapansin na puro umano Latina ang nakapasok dahil ang judges ay Latin din.

Inaasahan na makakapasok sa Top 3 si Rabiya dahil sa galing nito rumampa at sumagot. Mula nang umpisahan ng mga kandidata ang kanilang Miss Universe activities, isa si Rabiya sa mga madalas ma-interview.

Pero gayun pa man, todo pa din ang suporta ng mga Pinoy fans at proud pa din dahil nakita naman ang effort na ginawa ng kandidata.

Sa katunayan, pati ang mga pambato ng Pinas na inuwi ang korona ay todo ang pagmamahal at suporta kay Rabiya mula umpisa hanggang dulo.

Sa Twitter, nagpaabot ng love and encouragement sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

“RABIYA WE LOVE YOU thank you for pouring your heart for the Philippines [red heart emoji] We see you heart Queen,” ang pag suporta ni Miss Universe 2015.

Habang ang Miss Universe 2018 naman, “Wooow this year is intense!! [surprised face emoji] Sending Rabiya all of our love! She made our country proud! [yellow heart emoji] 11 Year consecutive semi-streak Pilipinas [Philippine flag emoji]”

Parehong naging makasaysayan ang pagka panalo nina Pia at Catriona nang maiuwi nila ang korona.
We are so proud of you, Rabiya!
Pahayag Ni Miss Universe 2018 Catriona Gray Tungkol Sa Kanyang Top 6 Candidates, Binaha Ng Pambabash

Umugong ang usap-usapan tungkol sa tweet ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, kung saan ibinahagi niya ang kaniyang Top 6 sa ginanap lamang ngayong araw, Biyernes, na Miss Universe 2020 National Costume competition.
Ito ay dahil, hindi niya sinama ang Philipine-flag inspired na costume ng pambato ng Pilipinas sa kaniyang mga nagustuhang national costume. Ang kasuotang ito ay dinisenyo ng namayapang fashion designer na si Rocky Gathercole.
Ang mga isinama lamang ni Catriona sa mga nagustuhang national costume ay ang mga kasuotan ng mga kandidata mula sa Indonesia, Nepal, Peru, Thailand Ukraine, at Vietnam.

“Indonesi, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine and Vietnam were my Top 6 @missuniverse National Costumes *emoji Who were yours?emoji,” anito sa kontrobersyal na tweet.
Marami ang naglahad ng kani-kanilang opinyon sa pahayag na ito ni Catriona. Mayroong mga nagtanggol dito at mayroong namang mga nangkritiko.


Mayroong mga nagsabing opinyon ito ni Catriona at may karapatan naman itong magpahayag ng kaniyang mga nagustuhang kasuotan sa naturang kompetisyon. Sinabi rin ng mga itong hindi naman nito ibinababa ang Pilipinas sa kategoryang nasabi.
“Why give Catriona hate comments? Bawal na ba siyang magbigay appreciation sa iba? She never said anything bad about Rabiya’s Natcos. Appreciating one’s work does not mean depreciating another’s.”Tweet ni @kriti1ko.

Ngunit, ang iba naman ay hindi ito tinanggap.
“I have nothing against Catriona. Pero dapat sinarili mo nalang just imagine kung ikaw nasa posisyon ni rabiya at galing pa sa kapwa mo Pilipino.”Saad naman ni @LexLim12.
Samantala, hindi naman nagpaapekto ang beauty queen sa mga pahayag na ito.
“That’s okay were all entitled to our own opinions.”


Nilinaw din ni Catriona na hindi niya ibinase sa pinakita ng mga kandidata ang pagpili sa kaniyang top picks, bagkus ay sa kanyang mga personal na paboritong national costumes.
“My best in National Costume picks are my favorite National Costumes, not based on the candidates performance. I love the celebration of culture and a country’s expression of identity which is why its one of my favorite segments! @MissUniverse,”paliwanag nito sa isang tweet.

Patuloy pa rin naman ang kanyang pagsuporta kay Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo sa laban nito para sa korona.
The post Designer At Jeweler Na Gumawa Ng Headpiece Ni Rabiya Mateo, Nagtaka Bakit Hindi Ito Suot Sa Pageant appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments