Looking For Anything Specific?

Ginang, naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa nakitang delivery rider na sobrang tagal na naghintay sa customer

Dahil may kinahaharap tayong pandemiya napakalaking tulong ngayon para sa lahat ang mga delivery riders dahil sa kanila nakakarating ang ating mga nais bilihin o orders na hindi na natin kailangan lumabas pa ng mga bahay.

Dahil ang masisipag na riders ay walang pinipiling lugar o panahon kahit saan pa yan ay susulong yan umulan man o umaraw.

Ang pagdating ng mga delivery riders ay inaabangan ng marami dahil sa pagkasabik ng mga customer sa kanilang binili online.

Ngunit sana ay may pag-unawa rin ang mga customer sa naghihintay na mga riders sa kanilang mga labas ng bahay.

May napansin kasi ang isang ginang sa kanyang nakita na isang rider na matagal na naghihintay sa labas ng bahay na may-ari ng parcel.

“Naghhintay si kuyang rider sa gitna ng initan, hawak ang maliit na plastic bag kumakatok para pagbuksan siya.

Ilang minuto nang nakalipas naghhintay pa rin siya,” kuwento ni Clariss sa Facebook.

Sinabi rin ng netizen na si Clariss na napakalaking tulong lalo na ngayong panahaon ang mga online shop at mga riders na nagri-risk ng kanilang buhay para hindi na tayo lumabas ng bahay.

Ngunit dahil sa kanyang na saksihan sa rider na sobrang tagal naghintay sa labas at sa ilalim ng sikat ng araw , may panawagan siya sa mga taong walang pagmamalasakit sa mga riders.

“Sana kung alam na COD maghanda ng saktong pera, makikita naman sa apps kung kailan ide-deliver yung order mo, so kung ngayon nakalagay at nag-message na sa’yo ang courier anticipate mo na anytime of the day pwede na i-deliver para makapaghanda ka.”

“Ano ba naman ‘yung ihanda mo na yung pambayad ahead of time para iabot na lang sa kanya. Imagine pipiktyuran ka pa niya bago siya umalis.

Masuwerte na tayong nasa bahay lang hinihintay ‘yung mga kailangan natin, mga essentials sa buhay isama na natin ang lugaw.”

#justworthtoshare
#onlineshopping

Nakita ko lng itong eksena na ito pag silip ko sa gilid ng gate namin. Naghhintay si…

Posted by Clariss Glorio on Thursday, April 1, 2021

Sa ganito daw kasing paraan ay mababawasan o mapapadali kahit papaano ang trabaho ng mga riders dahil marami pa raw ang paghahatiran ng mga ito.

Nais din ni Clariss na ipaunawa sa lahat mga nag oonline shopping na may mga pamilya at anak din ang mga riders na umaasang sana`y nasa maayos ang mga ito sa pagtatrabaho sa kalsada sa araw-araw.

“Kaya sana naman bukod sa maging mabait, magalang, matutong magpasalamat para maginhawa ang isip nila sa daan nang malayo sila sa kapahamakan ay magkaroon din tayo ng pagmamalasakit para sa kanila.”

Nawa`y makaabot ang panawagan na ito ni Clariss sa lahat, Huwag natin abusuhin ang mga taong nagtatrabaho ng marangal tulad ng mga riders.

Post a Comment

0 Comments