Looking For Anything Specific?

Guro, Nawindang Sa Ginawang Drawing Na ‘Pambansang Isda’ Ng Kanyang Mag-aaral

Kamakailan lamang, isang guro na si NJ Reyes ang nagbahagi ng isang litrato na iginuhit ng kaniyang isang mag-aaral bilang sagot nito sa tanong na “ano ang pambansang isda ng Pilipinas”? na isa sa mga bahagi na mga gawain na kaniyang ibinigay sa klase.

Ngunit, tama naman ang sagot ng mag-aaral dahil bangus naman talaga ang pambansang isda ng Pilipinas. Pero ang nakakatuwa sa ginuhit ng mag-aaral na ito ay ang ang pritong dinaing na bangus na kung saan makikita ang bahagi ng tiyan ng bangus na paboritong paboritong kainin ng mga Pilipino.

Sinabi ng guro sa kaniyang post.

“Napahinto ako sa pagche–check… Diyos ko anak bakit mo naman pinrito ang pambansang isda?”

Marami naman sa ating mga netizens ang naaliw din sa ginuhit na bangus na bata. Narito ang ilan sa mga komento nila:

“Hindi nakakabusog ang isda na iyan… (except sa boneless) Daming tinik… Sana tilapya o tuna na lang naging pambansang isda kesa diyan.. Mas malaki pa oras na nilalalaan sa pagtanggal ng tinik kaysa sa mismong oras ng pagkain hahaha.”

“Dahil sa mahal ng bilihin, yung pambansang isda kapiraso na lang.”

“Tama yung bata, iyan kasing bangus kapag naprito na hati–hati sa bawat pamilya, hindi pwedeng isang buo, kailangan lahat ay makatitikim.”

“Prito na hahahaha talino naman ni Baby na nagdrawing niyan, sa susunod dapat may sawsawan na iyan ha… siguro iyan ang madalas na ulamin ng kaniyang pamilya.”

Ang milkfish o sa Tagalog ay bangus ay isang mabuto, matinik, o makaliskis na uri ng isda. Marami ding maaaring mailuto na iba’t ibang putahe gamit ang bangus.

Maaari itong gawing relyenong bangus, maaari ding sinigang na bangus, o di kaya ay pritong bangus na katulad ng ginuhit ng bata. Maaari ka din bumili ng “boneless bangus” na nakakatulong upang hindi na masyadong kumunsoma sa oras ng pagkain ng bangus ang pagtanggal tanggal dito.

Ang bagus ay kilala sa Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan dahil madaming bangus ang kanilang nahuhuli sa mga dagat sa kanilang lugar at sa kanila din dinadaon taon taon ang “Bangus Festival”.

Read also:

Lumapit sila kay Jay Costura para sa nαωαωαℓαng anak, pero labis na nagimbal si Jay sa mga sumunod na natuklasan sa baraha

 

Nakaraang taon, 2020, nakilala sa social media si Jay Costura.

Binansagan siyang “Nostradamus of social media” dahil sa mga pangitain niyang ilang beses nang nagkatotoo.

Marami na din ang humihingi ng tulong ngayon kay Jay ukol sa mga mahal sa buhay nilang namaalam.

Sa mga kasong hindi pa nabibigyan ng hustisya, o sa mga taong bigla na lamang naglaho at magpasa hanggang ngayon ay di pa natatagpuan.

Gamit ang kanyang mga baraha.

Ito ang paraan ni Jay upang makausap o mahanap diumano ang tunay na dahilan ng pagkawala ng isang tao.

At nitong araw lang, ay isa nanamang nakakalungkot na istorya ang tila nalutas nanamang muli ni Jay.

Sa kanyang YouTube channel ibinahagi niya na may lumapit sa kanya para magpatulong tungkol sa isang nawawalang babae.

Dalawang taon na daw nakalilipas magmula ang babae. Ngunit ikinagulat niya ang mga sunod-sunod niyang natuklasan.

 

Sa unang pagbasa ng baraha, lumabas na may isang lalaking sinamahan ang babaeng nawawala.

Kusa daw itong umalis at walng pwersaang naganap, kaya naisip ni Jay nung una na baka nakipagtanan daw ito.

Sa pangalawang pagbasa ng baraha ay dito na nalaman ni Jay na nagpakam@t@y at hindi pala nawawala ang babae.

Kaya pala humingi ng tulong ang ina ng nawawalang babae ay para malaman ang totoong pagkam@t@y ng anak.

 

Dahil hindi daw siya makapaniwala na kinit1l nito ang sarili niyang bu’hay.

Nlaman din ni Jay na hindi matahimik ang kalulu’wa ng babae, at sinangayunan naman ito ng kanyang pinsan.

Magpasahanggang ngayon daw ay nagmumult0 ito sa kanila.

Hanggang sa hindi na din napigilan ng pinsan ng babae na aminin ang katotohanan.

Hinati daw pala ang buto ng babaeng namaalam ng kanyang ina upang iuwi sa Pinas ang kalahati.

Samantalang ang kalahati ay nakal1bing na pala sa Japan.

Panoorin ang buong istorya dito:

The post Guro, Nawindang Sa Ginawang Drawing Na ‘Pambansang Isda’ Ng Kanyang Mag-aaral appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments