Sa kabutihan ng isang tao, nag-iiwan ito ng marka sa mga taong malapit sa kanya at sa susunod na mga panahon ay aanihin nito ang naitanim niyang buto, isang magandang bunga ang magiging resulta nito. Katulad ng kwento ng isang guro na hindi niya inakalang isang araw ay may nakakatouch na pangyayari sa kanyang buhay.
Nasorpresa ang pamilya ni Virgie Roble dahil hindi nila inaasahan na ang doctor pala sa Perpetual Sucour Hospital na humawak sa operasyon ni Virgie ay ang dati nitong estudyante. Si Virgie ay isang guro sa high school sa Mandaue Cebu at kinailangan siyang operahan dahil sa nabalian ito ng kanang kamay. Kwento nila, nag mag tungo sila sa cashier upang mag bayad ng bill laking gulat nila ng matanggap ang isang sulat na isa pala si Virgie sa paboritong guro ng nasabing doctor at lalong ikinatuwa nila ng mabasa na hindi na ito nagpabayad ng professional fee dahil ayon dito 22 years ago na raw bayad ang guro.
Ito ang nilalaman ng sulat,
Dear Mom Roble,
Professional Fee – Paid 22 years ago (One of my favorite teachers!)
Hindi akalain ni Virgie na ito ay isang liham dahil sa unang tingin ay para itong reseta, nang mabasa niya ang sulat ng dati niyang estudyante na ngayon ay isa ng doctor halos maluha siya sa tuwa at galak. Dahil sa kagandahang loob ng doctor, gustong pasalamat ni Virgie ito sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang magandang ginawa.
Nagviral ang post na iyon at umani ng maraming magagandang komento sa pagiging isang mabait na doctor at isang mahusay na guro ni teacher Virgie dahil sa kanyang mabait at magaling na guro may isang estudyanting nakaalala at sinuklian ito.
Ang doctor naman na dating estudyante ni Ma’am Virgie ay nagpapaalala sa mga dating estudyante na may maganda ng estado ngayon na huwag kakalimutan ang mga naging parte ng kanilang tagumpay isa na rito ang mga naging guro nila.
Malaki ang naging ambag ng mga guro sa buhay ng bawat tao dahil sila ang binansagang pangalawang magulang at humubog sa mga bagay na meron kayo.
Read also:
Mag-asawa na nakatira sa loob ng imburnal na halos 22 taon, netizens nagulat nang makita ang loob nito
The post Gurong Inoperahan Hindi Inakalang Wala Na Pala Silang Babayaran Dahil Sinagot Na Ng Doktor Na Dati Niya Palang Estudyante appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments