Sa panahon ngayon, napaka-laking tulong ang pag-iipon dahil kapag may isinuksok siguradong may madudukot sa panahon ng pangangailangan. Kahit sa piso-pisong barya man ang maiipon ay malaking tulong na upang may magamit sa panahon na kagipitan. Nakakatuwa lang sa pakiramdam na karamihan sa mga mahilig mag-ipon ngayon ay mga kabataan. Kagaya na lamang ng batang nag-viral sa social media dahil sa kanyang istilo ng pag-iipon.
Ayon sa post ng netizen na si Jane F’mous na isang OFW sa kanyang facebook account, labis daw siyang napahanga sa anak ng kanyang kaibigan dahil sa naging masigasig nitong pag-iipon. Ang binatang ito ay si Gerdan, ang una nitong iniipon noon ay puro barya lamang hanggang sa napuno na niya ang 2 tub at nadagdagan pa ang kanyang tub ng isa pa na puro Php20 ang laman. Nagulat na lamang umano ang ina nito na si Gemma ng malaman na nakaipon ng napakaraming pera ang kanyang anak.
Dagdag pa ng ina ng binata, wala daw siyang kaalam-alam na nag-iipon pala ang kanyang anak habang siya ay nasa ibang bansa. Kaya naman sobrang natuwa at na-proud siya sa kanyang anak dahil sa kabila ng kanyang pagpapakahirap bilang isang OFW hindi raw basta nagwawaldas ng pera ang kanyang anak.
Kaya naman labis na natuwa at naging proud si Jane sa magandang gawain ni Gerdan. Hindi niya kasi inakala na makakaipon ng ganito karami ang anak ng kanyang kaibigan. Talagang mapapa-sana all na lang ang lahat, lalo pa’t OFW ang ina nito. Isa nang achievement para sa isang magulang ang pagkakaroon ng ganitong klaseng anak.
Ang inipon ni Gerdan ay binuksan niya ng umuwi ang kanyang ina galing ibang bansa, kaya nga sobrang natuwa si Gemma dahil sa kanyang pag-uwi ito ang bumungad sa kanya. Napakabait na anak si Gerdan, dahil mas malaki ang kanyang naiipon kesa sa kanyang nagagastos.
Pagbabahagi pa ni Jane, nawa’y tuluran pa si Gerdan ng iba pang mga kabataan na pahalagahan ang pag-iimpok upang sa panahon ng pangangailangan ay may madudukot.
Read also:
Pinay OFW Sa UAE, Nanalo ng P4.5 Million Matapos Itaya Ang Kahuli-Hulihang Pera
May kasabihan na mas mataas pa ang pagkakataon mo na tamaan ng kidlat kumpara sa tumama sa lotto. Pero kung minsan ay kapag ang isang bagay ay talagang para sayo at ikaw ang nakalaan na manalo ay talagang ibibigay sayo.
Katulad na lamang ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na ito sa UAE na naging instant milyonaryo matapos manalo sa sinalihang lotto.
Gaya ng karamihan sa ating mga OFW, si Remdios Bombon ay nagbakasakali lang din na mabago ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto. Ayon sakanya ay hindi niya inaasahan na siya ang tatanghaling panalo. Sa kabila ng hirap kumita ng pera lalo’t pandemya ay napilitan itong isugal ang kanyang huling pera na itayo sa lotto.
At bagama’t alam nito na sa pandemyang kinakaharap ng mga bawat bansa ay napakahirap mawalan ng mapagkukunan ng pangangailangan araw-araw. Pero talagang sumugal pa din ito sa kanyang kapalaran.
Si Remdios Bombon ay isang house keeper at bus attendant ngunit dahil sa pandemya na naging dahilan upang magkaroon ng lockdown ay na hinto ito sa pagtratrabaho.
Ayon sakanya, ang nitrang pera nito sa wallet ay nagkakahalaga lamang ng 820 Pesos sa ating pera o AED 60 sa pera sa UAE. Dagdag pa nito ay tatlong buwan na siyang walang hanap buhay at hindi nito alam kung saan kukuha ng pangtustos sakanyang pang araw-araw na pangangailangan. Kaya ito sumugal na tumaya sa lotto at sa kabutihang palad ay nanalo naman ito ng halaga na makakapag pabago ng kanyang buhay.
Ang halaga ng kanyang napanalunan ay tumataging-ting na 333,333 AED o P4.5 Milyon sa pera natin sa Pilipinas. Kung saan ay maaari na itong makabili ng lupa, makapag patayo ng bahay, at makapag simula ng maliit na Negosyo. Higit sa lahat ay maaari na rin nitong makasama ang kanyang pamilya at hindi na kaylangang pang lumayo para maghanap buhay.
Ayon naman sa mga netizen na nag bahagi ng kanilang kommento sa istorya ni Remedios. Sa kabila ng kanyang pagkapanalo ng malaking halaga ay kinakailangan na mas mapagplanuhan nito na ang paggamit sa pera upang hindi mapunta sa wala katulad ng ilan sa mga nababalita na nauubos agad ang napanalunan.
“Sana ay gastusin niya ng tama ang kanyang napanalunan…Di katulad sa ibang mga nanalo rin sa lotto na talagang nawaldas at walang naipundar”
The post Isang Anak Ng OFW Kinabiliban Dahil Sa Kanyang Nakakamanghang Php20 Ipon Challenge appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments