Looking For Anything Specific?

Inaaℓιρυѕtα siyα ng mgα emρℓєуadσ, hindi nila alam na siya pala ang may ari ng building

Dapat nga bang husgahan ang isang tao base sa kaniyang panlabas na anyo? Isang araw ay abala ang lahat ng empleyado sa isang kilalang hotel sapagkat maraming panauhin ang nagsisidatingan. Ilan sa mga ito ay mayayaman at kilala sa buong bansa. Isa na rito ay si Mrs. Jhemerlyn Roblez na kasalukuyang nakapila. Si Mrs. Roblez ay isang tanyag na manunulat.

Halos lahat ng tao sa bansa ay hinahangaan ang kaniyang mga sulat at likha kaya naman ay madalas na naituturing siyang “VIP” sa kaniyang mga pinupuntahang lugar. Nahinto ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa nang pumasok ang isang matandang lalaking nakasuot ng simpleng pananamit.

Sa unang tingin ay aakalain mong ito ay isang pulubi sapagkat nakasuot lamang ito ng isang puting damit, simpleng shorts, at tanging tsinelas lamang ang sapin nito sa paa. Hindi mapigilang mapalingon ng mga mayayamang panauhin at tumingin nang masama rito.

Halata sa kanilang mukha ang pagka-inis sa matanda. Hindi sila pinansin ng matanda at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad. Dali-dali siyang nilapitan ng mga empleyado upang asikasuhin. Nang makita iyon ni Mrs. Roblez ay kaagad itong nainis. “Ako ang nauna sa pila kaya ako dapat ang unahin ninyo!” sigaw nito. Nabaling ang atensyon ng mga tao sa kaniya at maski ang matanda’y tinapunan din siya ng tingin.

“Kanina pa ako naghihintay rito ngunit ang pulubing iyan ay kararating lamang. Dapat ako ang inuuna ninyo sapagkat ako ang may pambayad sa lugar na ito. Ang mga pulubing kagaya niya ay nararapat na mapunta sa pinaka dulo ng pila. O mas maganda ay hindi na pinapapasok pa sa mamahaling hotel kagaya nito!” inis nitong sumbat. Dinuro-duro niya ang matanda habang patuloy pa rin sa pag-sigaw.

Sinubukan siyang pigilan ng ilang empleyado ngunit ayaw talaga nitong huminto. Hindi nagtagal ay lumapit sa kanila ang manager ng hotel. “Kumalma ka, Mrs. Roblez. Ang ‘matandang pulubi’ na kausap mo ay ang may-ari ng resort. Siya ay si Mr. Salvadore.” saad nito.

Napahiya si Mrs. Roblez sa harap ng maraming tao. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkabigla. Hindi makapaniwala na ang lalaking inakala niyang pulubi ay ang may-ari pala ng hotel. Nang mapagtanto niya ang kamaliang kaniyang nagawa ay paulit-ulit siyang humingi ng tawad dito.

“Pasensiya na ho. Hindi ko talaga alam na ikaw ang may-ari ng hotel na ito. Handa akong magbayad para sa kasalanang nagawa ko.” “Ayos lang iyon, Hija. Sa susunod ay huwag kang manghuhusga ng tao base sa kanilang panlabas na anyo.

Huwag din mababa ang pagtrato mo sa iba dahil lamang mas nakakaangat ka sa buhay.” Sa huli ay nahiya at nagsisi si Mrs. Roblez. Napagtanto niya na hindi dapat hinusgahan ang isang tao base sa panlabas na anyo nito. Kahit kailan ay hindi naging maganda ang panghuhusga ng kapwa. Ugaliin nating kilalanin muna ang mga ito bago sila husgahan.

Read also:

Gurong Inoperahan Hindi Inakalang Wala Na Pala Silang Babayaran Dahil Sinagot Na Ng Doktor Na Dati Niya Palang Estudyante

Sa kabutihan ng isang tao, nag-iiwan ito ng marka sa mga taong malapit sa kanya at sa susunod na mga panahon ay aanihin nito ang naitanim niyang buto, isang magandang bunga ang magiging resulta nito. Katulad ng kwento ng isang guro na hindi niya inakalang isang araw ay may nakakatouch na pangyayari sa kanyang buhay.

Nasorpresa ang pamilya ni Virgie Roble dahil hindi nila inaasahan na ang doctor pala sa Perpetual Sucour Hospital na humawak sa operasyon ni Virgie ay ang dati nitong estudyante. Si Virgie ay isang guro sa high school sa Mandaue Cebu at kinailangan siyang operahan dahil sa nabalian ito ng kanang kamay. Kwento nila, nag mag tungo sila sa cashier upang mag bayad ng bill laking gulat nila ng matanggap ang isang sulat na isa pala si Virgie sa paboritong guro ng nasabing doctor at lalong ikinatuwa nila ng mabasa na hindi na ito nagpabayad ng professional fee dahil ayon dito 22 years ago na raw bayad ang guro.

Ito ang nilalaman ng sulat,
Dear Mom Roble,
Professional Fee – Paid 22 years ago (One of my favorite teachers!)

Hindi akalain ni Virgie na ito ay isang liham dahil sa unang tingin ay para itong reseta, nang mabasa niya ang sulat ng dati niyang estudyante na ngayon ay isa ng doctor halos maluha siya sa tuwa at galak. Dahil sa kagandahang loob ng doctor, gustong pasalamat ni Virgie ito sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang magandang ginawa.

Nagviral ang post na iyon at umani ng maraming magagandang komento sa pagiging isang mabait na doctor at isang mahusay na guro ni teacher Virgie dahil sa kanyang mabait at magaling na guro may isang estudyanting nakaalala at sinuklian ito.

Ang doctor naman na dating estudyante ni Ma’am Virgie ay nagpapaalala sa mga dating estudyante na may maganda ng estado ngayon na huwag kakalimutan ang mga naging parte ng kanilang tagumpay isa na rito ang mga naging guro nila.

Malaki ang naging ambag ng mga guro sa buhay ng bawat tao dahil sila ang binansagang pangalawang magulang at humubog sa mga bagay na meron kayo.

The post Inaaℓιρυѕtα siyα ng mgα emρℓєуadσ, hindi nila alam na siya pala ang may ari ng building appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments