Marami tayong nababalitaan tungkol sa mga taong naliligaw ng landas sa buhay at nalululong sa ibat-ibang bisyø.
Isa na riyan ang panînîgarilyo, para sa ilan na mahilig na mahilig dito ang sigarîlyo daw para sa kanila ay nakakapagbigay ng “ginhawa” sa katawan.
Subalit ang totoo kapag inabuso ang ating katawan at sumobra sa paggamit nito ay maaari itong magdulot ng ibat-ibang komplikasyon sa ating katawan.
Ang ilan sa atin ay nahihirapan itigil o talikuran ang bisyøng ito, Ngunit may ilan din naman na sinusubukan ang sarili na ito ay itigil at piliin ang magkaroon ng mas malusog at mas ligtas na kalusugan para na din sa kanilang kapakanan.
Katulad nalamang ng isang kwento sa social media na talagang pinag-usapan ng mga netizen, Isang Ama kasi ang nagbahagi ng kanyang “ipon challenge” kung saan tinalikuran niya ang kanyang bisyø at mas piniling ipunin na lamang ang perang dapat ay gagastusin sa paninigarilyo.
Ayon sa netizen, tinigilan niya ang kanyang bisyøng paninigarilyo. At imbes na ipambili daw nito ng mga sigarîlyo ay kanyang inipon nalang ang pera at sa kanyang ikalawang buwan daw na pagtigil sa bisyø at pag-iipon sa kanyang alkansiya ay nakaipon siya ng P4,360.
Narito naman ang post ibinahagi ni Analyn Candolea Manipis, kung saan naka-tag si Sherwin Manipis at Jeric Esmores:
“Start ng January, D na sya nagyosi kaya lahat ng pangyosi niya hinuhulog niya dyan sa alkansya niya. Sinilip namin at binilang namin ngayong after 2months total 4360!! Not bad papa! Congrats natigilndin yosi mo may pera kapa!
Tuloy lang pag-ipon try mo naman 1 year.”
Malaki talaga ang naging epekto nito sa kanyang pagkatao, dahil bukod sa nakaipon na siya ay nakaiwas pa siya sa maaari niyang makuhang sakit dahil sa paninigarilyo at maganda rin itong huwaran sa kanyang mga anak na hindi maganda ang paninigarilyo sa kalusugan ng tao.
0 Comments