Looking For Anything Specific?

Pinagtawanan ng Taxi Driver ang kanyang pasahero dahil sa maitim na kulay nito, nagulat siya nang malaman ang trabaho at estado ng buhay nioto

May isang taxi driver na sobra ng nababagot dahil sa kanyang ilang oras na pag-iikot ay wala pa rin siyang mahanap na pasahero.

“Napakatumal naman ng pasada ngayon kahit isang pasahero sobrang dalang” Napapaismid na sabi ng driver na si Macoy.

Maya- maya nga lang ay may biglang lumapit sa kanyang babae at pumara ito sa kanya.

“Taxi, taxi!”

Todo ang titig ni Macoy sa babaeng pasahero. Dahil ang kutis kasi ng babae ay kulay itim na parang pinaglihi sa uling kaya hindi niya maiwasang palihim na matawa.

Nang makasakay ang babaeng pasahero kanya na itong tinanong kung saan ang destinasyon nito.

“Miss, Saan po tayo?” Tanong ni Macoy na nagpipigil sa pagtawa.

“Sa may Ayala po. Manong” Sagot ng babaeng pasahero.

Sa kanyang pagmamasid sa babae napansin ni Macoy na kahit maitim ang kutis nito ay makinis naman.

Dahil sa kanyang pagiging usyoso hindi nito naiwasan na natungin at kausapin ang kanyang pasahero.

“Alam mo miss, Buti na lang at sumakay ka sa taxi ko, Kasi simula kaninang umaga wala pa ko kahit isang nagiging pasahero”.

Photo Illustration Only

“Ah ganoon po ba Manong? Eh di ako po pala ang inyong buena mano?” sagot muli ng babae.

“Oo miss, Kaya akoy nagpapasalamat at pinara mo ang aking taxi”

“Wala pong anuman manong, Nagmamadali rin po kasi ako kaya naisipan ko na pong mag taxi hindi ko pa kasi nakukuha ang pina-carwash kong sasakyan” sambit ng pasahero.

Habang patuloy naman sa pagsasalita ang pasaherong babae ay pilit parin pinipigil ni Macoy ang kanyang tawa dahil nakikita niyang nanlalaki pa ang matang bilugan ng pashero niyang maitim ang kulay.

At hindi na nga nakapag pigil si Macoy at kanya ng itinanong ang mga katagang ito.

“Miss tanong ko lang , may lahi kaba? Mukha kasing taga-Africa” tanong ni Macoy

“Opo, Manong, Nigerian po ang aking tatay at Pinay naman ang nanay ko at dito po ako sa Pilipinas ipinanganak at lumaki”.sagot ng pasaherong babae.

“Hindi mo ba naisipan na gumamit ng bleach noong bata ka upang kahit papaano eh pumiti ka” pang-aasar ng driver na si macoy.

Nagulat naman ang pasaherong babae sa naging tanong at pang-aasar sa kanya ng driver ngunit ngumiti lang siya at sinagot niya ito na:

“Marami na rin po ang sa akin ay nagsabi ng ganyan, ngunit sa tingin ko po hindi ko na kailangan gawin yon dahil masaya at kuntento po ako kung anong mayroon ako.

Ganitong kulay po ang ibinigay sa akin ng Panginoon kaya buong puso ko pong tinatanggap.

Nasanay na din po ako sa mga salitang ganyan dahil kahit nung bata po ako ay ibat-ibang pangungutya ang aking narinig sa mga tao, dahil panget ako maitim.

Ngunit kahit lumaki ako sa mapanlait at mapanakit na mundong ito ay natutunan kong mahalin at tanggapin ang katangiang mayroon ako.

Ang sabi po kasi sa akin ng akin mga magulang ay hindi ko dapat ikahiya kung anong meron kahit naiiba ako sa ibang tao na mapuputi ang balat ang mahalaga po ay ang pagiging mabuting tao at may malasakit sa kapwa” Mahabang pagtugon ng babaeng pasahero.

Tila natahimik si Macoy at namula mula ang mukha nito sa narinig na sagot ng kanyang babaeng pasahero.

Sa sobrang hiya sa pasahero ay kanya nalang itong sinang-ayunan na wari`y siya ang napahiya sa kanyang pang-aasar na tanong.

“Oo nga miss, tama ka diyan sa lahat ng sinabi mo” wika niya na pilit ang pagkakangiti.

Maya-maya pa ay hindi napansin ni Macoy na andon na pala sila sa Ayala kung saan ang destinasyon na sinabi ng babaeng pasahero.

“Ay miss narito na pala tayo sa Ayala” sambit ni Macoy sa pasaherong babae at sinabi rin nito kung magkano ang babayaran ng babae.

Kumuha naman ng pera ang babae sa kanyang wallet at sabay inabot nito sa driver na si macoy.

“Manong, eto na po ang bayad ko. Dinagdagan ko po `yan. tip ko po para sa inyo. Salamat po sa paghahatid sa akin dito” sagot ng babae

Hindi naman makapaniwala si Macoy at natahimik nalang at napaisip hindi siya makapaniwala na triple pa ang ibinayad nito sa kanya.

“Grabe naman ang laki mag tip ng negrang ito” pabulong na sambit ni Macoy.

Nang makababa naman ang pasaherong babae ay agad na may lumapit na isang dalagita at tuwang-tuwa ito habang nagpapakuha ng litrato sa maitim na babaeng pasahero gamit ang cell phone nito.

Nagulat naman si Macoy sa inasal ng dalagita dahil tila kinikilig pa ito habang pinipiktyuran ang babaeng maitim. Maya-maya ay sumakay din ang dalagita sa taxi ni Macoy.

“Manong, Pahatid nga po sa Q.C”sambit ng dalagita kay macoy.

Agad naman tinanong ni Macoy ang kanyang bagong pasahero tungkol sa maitim na babae.

“Miss matanong ko lang, Kilala mo ba yung pasahero ko kanina na maitim na babae?”

“Ayy nako manong, Oo naman po kilalang-kilala ko po . Siya po si Aliya yung Pinay na International Model.

Photo Illustration Only

Sobrang sikat po siya sa Amerika sa pagmomodelo. Ang pagkakaalam ko po kaya po siya andito sa ating bansa ay para dalawin ang pamilya nito.

Balita ko rin po ay sobrang yaman na nito at isa nang milyonara may-ari pa siya ng isang sikat at malaking clothing brand.

Pero kahit ganoon na po siya kataas ay nanatili po siyang mapagkumbaba at mabait lalo na sa kanyang mga tagahanga” sagot ng dalagita kay Macoy.

Photo Illustration Only

Tila naging yelo si Macoy sa kanyang narinig halos hindi ito makakilos at makapagsalita sa narinig sa kanyang bagong pasahero.

Isa palang sikat na modelo at milyonarya ang babaeng may kutis na itim na kanyang naging pasahero. Sobra ang pagsisisi ni Macoy kung bakit niya ito pinagtawanan kanina. Yun pala ay isa itong asensado sa buhay kaysa sa kanya.

Kaya naman isa tong aral para sa ating lahat na huwag manghuhusga ng isang tao base sa estado ng buhay nito o sa anumang kulay ng balat nito kaya nga diba may kasabihan tayong “Don`t Judge the book by it`s cover” sa halip na husgahan ay magandang alamin muna natin ang kanyang magandang katangian at narating nito sa buhay.

Post a Comment

0 Comments