Sa panahon ngayon mas marami na ang naghihirap dahil sa kakulangan ng mga trabaho sa ating bansa, ang mga nasa laylayan ay mas dumoble ang hirap at kailangan pang doblehin ang pagsisikap at pagtitiyaga upang makapagkayod at mapakain ang kanilang pamilya.

Tulad ng isang amang halos pinagsabay ang paglalako ng kanyang paninda at ang pag-alaga sa kanyang anak na buhat buhat niya habang naglalako. Sa pagod at hirap ng amang ito at sinabayan na rin siguro ng gutom ay bigla itong napaupo at nahimatay habang kalung-kalong pa rin ang kanyang anak, mabuti at sa nangyaring iyon ay maraming nakapansin at nakakita kaya agad na natulungan ang ama ng mga may mabubuting pusong nagmalasakit na alalayan at bigyan ng gamot ang amang hirap na hirap na, may mga nag-abot rin ng pagkain para sa mag-ama.

Nagviral ang kwento at umani ng ibat-ibang reaksyon, ngunit ang naging sentro ng lahat ay ang kaawa-awang ama na nagpapakahirap magtrabaho para mabuhay lang ang kanyang asawang may sakit at ang kaawa-awa nilang anak na sinisikap niyang alagaan habang nagtatrabaho.
Ang ilan sa mga detalye tungkol sa mag-amang ito ay dahil sa post ng Hanep TV, marami rin ang humihiling na sana’y maraming magpaabot ng tulong sa pamilya nila upang mapagaan ang kanilang buhay at maipagamot ang asawa nito.

Saludo ang marami sa pinakitang katatagan ng amang patuloy na ginagapang sa hirap ang pamilya kahit na siya na lang ang gumagalaw para sa kanilang pang araw-araw. Hindi niya naisipang iwan ang anak at asawa nito bagkus patuloy niya pa itong inaalagaan at iyan ang pagiging isang ama at asawa, sa hirap at ginhawa ay patuloy na nagsasama.
Isang matandang lalaki, sumisid sa baradong kanal upang linisin! Nagtrending
Ang mga pinoy kahit anong klaseng trabaho papasukin para lamang maitaguyod ang pamilya. Dahil marami saatin ang limitado parin ang kinikita sa pangaraw-araw na pangangailangan ay napipilitan ang iba na gawin ang mga trabahong mahihirap kahit na pandirihan pa ito ng mga taong makakakita sakanila.
Ibinahagi ni Yncierto Rhoieyee Allan Saban sakaniyang facebook account ang video ng isang matandang lalaki na sumisid sa isang baradong kanal upang ito ay linisan. Agad na nag-viral ito at umani ng samut-saring komento, makikita sa video na ito na hindi alintana sa matanda ang dumi at baho ng kanal na sinisisid. Ginawa niya ang trabahong ito upang tanggalin ang mga baradong basura sa kanal, kahit pa maapektuhan ang kaniyang kalusugan ay handa parin ang matanda gawin ang lahat para kumita ng pera.
Ang post ni Saban ay may caption na“TINGNAN; buwÃs buhay napag sisid ng isang matanda sa baradong kanal. Sa hirap ng buhay kahit ano papasukin ni tatay para sa kanyang pamilya. Marangal na trabaho ngunit napakahirap para sa isang matanda tulad nya.”
Makikita rin sa video na walang suot na anumang proteksyon sa katawan ang matanda kahit na madumi at mabaho ang nasabing kanal. Patuloy naman na pinanuod ng mga tao ang naturang pangyayari na tila naaawa sa matanda. Ang ganitong mga bagay ay hindi dapat gawing kakatuwa sapagkat isa itong marangal na trabaho. Hindi lamang pamilya ni tatay ang kaniyang natutulungan sa kaniyang paglilinis ng kanal, pati narin ang kapaligiran ay napapanatili niyang malinis.
Marami sa mga tao ay kung saan saan lang tinatapon ang mga basura kaya naman karamihan sa ating mga kanal ay barado at marumi. Responsibilidad ng lahat na maging maayos at malinis sa kapaligiran kaya naman saludo ang lahat kay tatay!


Ilan sa mga tao ay nandidiri pa sa ganitong klaseng trabaho, ngunit tayong lahat ang may kagagawan kung bakit nagiging barado ang mga kanal sapagkat wala tayong disiplina sa pagtatapon ng maayos ng mga basura.
Sa lakas ng loob at pati narin sa kabutihan ni tatay na makatulong sa pamilya ay kaya niyang sisirin ang kahit na anumang pagsubok sa kaniyang buhay upang makatulong ay pati narin mabawasan ang mga basura sa kapaligiran.
Komento ng isang netizen, “Kawawa mman si Tatay pero saludo ako sayo.. napakapalad ng iba ng mayroon pang mas madali na trabaho.. pèro parang mas delikado pa sa C0vid ang ginagawa mo Tatay”
“God bless po Tatay!”
Isa lamang itong patunay na hindi man pangkaraniwan para sa iba ang ginagawang trabaho ng ilang mahihirap, ipagpapatuloy pa rin nila ito para sa mga taong umaasa sa kanila at para na rin buhayin ang kanilang mga pamilya. Kahit pa kalusugan nila ang nakataya ay handa parin silang magsumikap!
The post Isang amang sumama ang pakiramdam dahil sa pagod sa paglalako ng paninda habang karga-karga ang kanyang anak, tinulungan ng mga taong nakakita sa kanila appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments