Sa Pilipinas, natural ang pagsasama ng buong pamilya-mula sa Lolo at Lola hanggang sa mga apo. Likas saatin ang pagmamahal sa ating mga nakakatanda di tulad sa ibang bansa. Simula pagkabata ay ito na ang ating kinalakihang tradisyon. Ngunit sa paglipas ng panahon, napaparami na ang mga balitang iniiwan na lamang ang matatanda sa ibang lugar kadalasan pa ay sa kalsada.
Nag-viral sa social media ang mga larawan ng isang matandang may sakit na umiiyak dahil sa pinalayas at inabandona na lamang sa kalsada. Mabilis itong kumalat dahil sa mga shares ng concerned netizens.
Napag-alaman na pinalayas umano siya ng kaniyang anak. Natagpuan umano ang umiiyak na matanda sa gilid na kalsada sa Balibago, Sta. Rosa, Laguna. Isang nakakalungkot na pangyayari nga ito na umani ng samut-saring reaksyon mula sa netizens.
Hindi sila makapaniwala na kaya itong gawin ng isang anak sa kaniyang magulang na nagbigay buhay sa kaniya. Kahit na ano pa man ang dahilan mabuti man ang ginagawa ng kanilang magulang o masama ay hindi tamang palayasin at abandunahin nila ang kanilang mga magulang sa kalsada lalo na kung ito ay matanda na.
“Baka po may nkka- kilala kay taytay sya po ay taga batangas.sya daw po ay pinalayas ng kanyang anak.sya po ai may skit ngyon andto po sya sa Balibago sta rosa laguna.pa share nlng po po” Heto ang naging kabuuang post ni Araman Lat na nagbahagi ng larawan ng nakakaawang matanda.
Bilang isang anak ay hindi tamang isukli ang ganitong gawain sa mga magulang kahit na may nagawa man itong mali. Mag-silbing aral ito sa mga anak na naway intindihin na lamang sapagkat matanda na ang kanilang mga magulang at hindi tama na palayasin kahit ano pa man ang nagawa nito. Mahalin natin ang ating mga magulang.
Netizen, Bumuhos ang Luha Matapos na Makita at Maâ„“aman ang Kaâ„“agayan ng Isang Lola
Lubhang nakakahabag ng damdamin ang sitwasyon ng isang matandang babae na nakahiga sa sahig at tila walang kaanak na nag-aalaga. Ibinahagi ito ng Heaven Elements facebook page ang pahayag ng isang netizen na kumuha ng litrato ni Lola. Ayon sa uploader, lubos siya napaluha nang mismong siya ang nakarinig ng nakakaawang kalagayan ni Lola. Narito ang kanyang pahayag,

“Habang naglalakad ako kahapon, biglang napatigil ang mundo ko. Nang makita ko ang sitwasyong kinalalagyan ng matandang nakahiga sa malamig na semento. Dahil sa awÃ¥ na nadarama ko, napaluha ako. Umupo ako sa tabi niya, nilagyan ko ng 100 pesos yung latang nasa harap niya. Mas lalo pang bumuhos yung luha ko ng sabihin nyang “Anak, salamat. Kaawaan ka ng diyos.” Wala akong masabi. Tulo nalang nang tulo yung luha ko.
“Tapos maya-maya, tinanong ko sya, ‘Lola, kung bibigyan kita ng isang pagkakataong tuparin yung hiling mo, anong hihilingin mo?’ Tumingin sa akin yung matanda, at bigla syang umiyak.. Sabay sabi, ‘Gusto ko ng PAMILYA.’ Napayuko ako sa sobrang lungkot. Umiyak… Niyakap ko yung matanda. Sabi niya, ‘Anak, baka madumihan ka.’ Hindi ako umimik at niyakap ko sya ng mahigpit.


111-Anyos na Centenarian, Kasalukuyang Hindi Pa Nakakatanggap ng P100,000 Magmula Nang Siya ay Umabot ng 100-Taon!
Ayon sa Republic Act No. 10898, ang sino mang Pilipino na aabot sa edad na isang daang tao ay mabibigyan ng cash gift na nagkakahalagang P100,000. Ngunit may ilan pa din sa ating mga kababayan ang hindi pa nakakatanggap ng nasabing cash gift. Katulad na lamang ni Lola Juana Pulga na magdiriwang ng kanyang ika-111 kaarawan sa darating na Mayo 20.

Nananawagan ang kanyang apo na si Kathlyn Acudesin na matulungan ang kanyang lola na makuha na ang centenarian gift dahil ilang taon na din ang nakakalipas magmula nang siya ay mag-100 taong gulang.Nakatira umano si Lola Juana sa San Jose Del Monte, Bulacan. Nasa pamamalagi ng kanyang anak na si Danilo Pulga ang naturang centenarian. Humihingi siya ng tulong na makuha ang pera upang maipangbbili sana ng mga gam0t at prutas ni Lola Juana.

“Kasalukuyan hindi pa po siya nakakatanggap ng 100,000 Sana matulungan niyo po Kami Kahit Pambili lang po ng Prutas Gatas at Pampers nya po . Maraming Salamat at Godbless po Contact Number: 09530663160 Pashare Naman po Ng Post ko Salamat po”
Mag-asawa na nakatira sa loob ng imburnal na halos 22 taon, netizens nagulat nang makita ang loob nito
The post Isang matandang lalaking pinalayas ng anak, Umiiyak sa gilid ng kalsada appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed







0 Comments