Isa ang pagpapakasal sa mga pinaghahandaan ng isang babae at lalaki sa kanilang pag-aasawa. Kung kaya’t madalas na iniisip ng mga tao ang paggastos ng labis na halaga upang magkaroon lamang ng isang magarbong kasal. Ngunit may mga tao pa rin ang nagiging praktikal sa buhay, na para sa kanila hindi mahalaga ang gumastos ng malaki dahil ang tanging mahalaga ay ang mairaos ang pagdiriwang ng dalawang taong nagmamahalan.
Pinatunayan ito ng isang babaeng ikakasal na ang pagdiriwang ng isang panghabang buhay na pangako ng pag-ibig ay hindi dapat maging mahal. Ito ang kwento ng pag-iibigan nila Cai at Majo Pelone, na naikasal noong Hunyo 2019. Para kay Cai, hindi kailangang gumastos ng libo upang magkaroon lamang ng pinaka-magandang bridal gown.
Sa isang panayam mula sa Bride and Breakfast, isang website para sa mga kasal na nakabase dito sa Pilipinas, sinabi ni Cai na nais niyang itabi ang pondo para sa iba pang mahahalagang bagay, tulad ng kanilang honeymoon. Kaya hindi siya nag-atubili at matiyaga siyang naghanap sa online shop kagaya na lamang ng Lazada upang makahanap at makapili ng kaniyang wedding gown na swak sa kaniyang budget.
Ipinost ni Cai sa kaniyang facebook ang larawan ng kanilang kasal na may caption na, “When my now-husband, Majo, proposed to me in August. I got excited by the thought of walking down the aisle dressed in a beautiful white gown.
I started to search early for a wedding gown in Lazada feeling positive and lucky to get a steal. As a practical bride on a budget, I don’t want to splurge a lot of money for a gown that will be used for one-time and just a few hours. I’d rather put the money for our new beginnings and honeymoon funds. I meticulously check each and every wedding dresses every day until I came up with three best dresses (for pre-nup, ceremony, and reception) ready for check out.”
Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Cai kung gaano kaganda ang kaniyang wedding gown na binili niya lang online. Ang wedding gown na ito ay sadyang napaka-perpekto sa kaniya, mayroon itong ball gown skirt, lace bell sleeves, at isang sweetheart neckline na may manipis na overlay. Ito ay may klasikong disenyo na wedding gown at may pagka old-world vibe.
Ang wedding gown na ito ay mula sa Taobao, isang brand ng mga damit-pangkasal na ready to wear na. Ibinahagi rin ni Cai, na ang mga magagandang reviews ng mga customer ang nakatulong sa kaniya upang makapili. Pati na rin ang kagandahan ng klase ng tela nito at ang presyo nito na swak sa kaniyang budget.
Ayon kay Cai, ang wedding gown na ito na mula kay Lazada na may mermaid-cut dresses ay nagkakahalaga lamang ng Php2,000 hanggang Php3,000 samantalang ang kaniyang white ball gown naman ay nagkakahalaga lamang ng Php4,000 hanggang Php8,000. Ito ay inorder pa niya nung nag-sale ang lazada ng 11/11 last year at ito ay ready to wear na rin para sa kanilang kasal.
Nakakamangha lamang ang masusing pagpili ni Cai ng kaniyang wedding gown hindi niya kailangang gumastos na malaki para sa kaniyang kasal dahil ang mahalaga ay ang kanilang pagmamahalan.
Ikaw anong klaseng wedding gown ang gusto mo?
Read also:
Pinay OFW Sa UAE, Nanalo ng P4.5 Million Matapos Itaya Ang Kahuli-Hulihang Pera
May kasabihan na mas mataas pa ang pagkakataon mo na tamaan ng kidlat kumpara sa tumama sa lotto. Pero kung minsan ay kapag ang isang bagay ay talagang para sayo at ikaw ang nakalaan na manalo ay talagang ibibigay sayo.
Katulad na lamang ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na ito sa UAE na naging instant milyonaryo matapos manalo sa sinalihang lotto.
Gaya ng karamihan sa ating mga OFW, si Remdios Bombon ay nagbakasakali lang din na mabago ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto. Ayon sakanya ay hindi niya inaasahan na siya ang tatanghaling panalo. Sa kabila ng hirap kumita ng pera lalo’t pandemya ay napilitan itong isugal ang kanyang huling pera na itayo sa lotto.
At bagama’t alam nito na sa pandemyang kinakaharap ng mga bawat bansa ay napakahirap mawalan ng mapagkukunan ng pangangailangan araw-araw. Pero talagang sumugal pa din ito sa kanyang kapalaran.
Si Remdios Bombon ay isang house keeper at bus attendant ngunit dahil sa pandemya na naging dahilan upang magkaroon ng lockdown ay na hinto ito sa pagtratrabaho.
Ayon sakanya, ang nitrang pera nito sa wallet ay nagkakahalaga lamang ng 820 Pesos sa ating pera o AED 60 sa pera sa UAE. Dagdag pa nito ay tatlong buwan na siyang walang hanap buhay at hindi nito alam kung saan kukuha ng pangtustos sakanyang pang araw-araw na pangangailangan. Kaya ito sumugal na tumaya sa lotto at sa kabutihang palad ay nanalo naman ito ng halaga na makakapag pabago ng kanyang buhay.
Ang halaga ng kanyang napanalunan ay tumataging-ting na 333,333 AED o P4.5 Milyon sa pera natin sa Pilipinas. Kung saan ay maaari na itong makabili ng lupa, makapag patayo ng bahay, at makapag simula ng maliit na Negosyo. Higit sa lahat ay maaari na rin nitong makasama ang kanyang pamilya at hindi na kaylangang pang lumayo para maghanap buhay.
Ayon naman sa mga netizen na nag bahagi ng kanilang kommento sa istorya ni Remedios. Sa kabila ng kanyang pagkapanalo ng malaking halaga ay kinakailangan na mas mapagplanuhan nito na ang paggamit sa pera upang hindi mapunta sa wala katulad ng ilan sa mga nababalita na nauubos agad ang napanalunan.
“Sana ay gastusin niya ng tama ang kanyang napanalunan…Di katulad sa ibang mga nanalo rin sa lotto na talagang nawaldas at walang naipundar”
The post Isang Bride Nakatipid Ng Malaki Sa Kaniyang Wedding Gown Na Inorder Sa Lazada Sa Halagang Higit 4,000 Pesos Lamang appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments